28 - beaches

1.7K 101 91
                                    

Samantha's point of view

WE ARE CURRENTLY CHECKING into the hotel here at the Zambales. Ang Headmaster ng University ang may plano ng lahat na ito, wala kaming babayaran lahat ay libre.

At dahil nahuli kami sa pagdating ni Savi sa hotel, kasama na namin sa room ang dalawang Professor. Si ms. Dawn at ms. Irene.

Sa isang room ay may dalawang master's bedroom, panigurado ay tabi nalang kami ni Saviel. Hindi naman sa ayokong tabihan ang babaeng ubod ng sungit, kaso kasi baka pagtripan pa kami ni Savi, picturan habang magkayakap.

Kilalang-kilala ko si ms. Irene, panigurado 'pag katabi ako nito yayakapin niya ako. Sana pala nagtrabaho nalang ako bilang unan niya, tutal... Wala nevermind.

Iwas muna tayo sa kan'ya mga beh, baka bugahan ako ng apoy.

Lalo na ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako sa sinabi ko sa kan'ya. Nadulas lang ako, okay?

"Hayst, salamat at nakahiga rin," Pagod na sambit ni Savi nang makahiga na sa kama. Nilapag ko muna ang mga gamit ko at umupo para rin makapagpahinga.

"Swimming tayo mamaya, babe" Pagaanyaya niya sa akin na ikinatango ko lamang ako. "Bakit pala hindi kayo nag-uusap ni ms. Irene kanina? Bago 'yun, ah." Nagsimula na naman siya sa panga-asar niya.

"Ewan, hindi niya naman ako kinakausap, eh. 'Tsaka wala naman kaming dapat pagusapan,"  Walang ganang sagot ko sa kan'ya. Wala ako sa mood para sabayan ang pangungulit niya.

"May point ka naman," Patango-tango niyang saad. "Kaso pointless." She burst out laughing making me pissed off.

Akmang hahampasin ko sana niya, ngunit biglang pumasok ang dalawang ubod ng bait at sungit na propesor. Napabalikwas kami ng upo sa kama nang makita nila kami.

"Oh, you guys are here na pala."

"Actually, kakarating lang din po namin, miss Dawn." I answered politely. Hindi, wala pala talaga kami rito. Obvious naman 'di ba?

"Mag-sswimming ba kayo?" We heard ms. Dawn asked.

"Yes po, ms. Dawn. Magpapahinga lang po kami ni Samantha saglit at bababa na rin po kami." Savi uttered.

"Sali kayo sa pa-games ni sir Tejada later, huh" Ms. Dawn reminded before entering the restroom.

Ngayon ay inaayos ko na ang aking mga gamit, inilagay ko na ang lahat sa cabinet ng hotel para pagkukuha ay hindi ako mahirapan. May utak na ako, sana kayo rin.

"Babe, magbibihis na ako, ikaw ba? " Savi asked me, while I still arranging my stuffs.

"Sige na, mauna ka na. Aayusin ko pa kasi 'tong mga gamit ko dito."

"Okay." She answered before enteringthe bathroom. Dalawa ang bathroom sa room na ito kaya hindi namin kailangan maghati-hati sa isa.

Inayos ko lahat ng gamit ko at inilagay sa cabinet, itinabi ko na rin ang aking skincare para mamaya, because skincare is life mga beh.

Ewan ko na lang kung makakapagskincare pa ako pagbalik ng hotel, baka kalabanin na naman ako ng katamaran ko. Sa sobrang bait ko nga, eh kinampihan ko nalang ito.

"Babe, mauna na ako sa baba, ha? Maghahanap pa ako ng shawty doon," She did a a flying kiss on me bago umalis. Nakasuot na siya ng Ppink two piece at may dala dalang sun glasses.

Hapon na nga magsu-sun glasses pa.

"Hinipan ka na naman ng masamang hangin, Saviel." Umiling na tugon ko sa kan'ya dahil sa umiiral niyang kalandian. Charot!

"Grabe naman 'to! Support mo nalang ang maganda mong bff, malay mo nag-aantay na pala ang forever ko sa baba, 'di ba?" Kahit kailan talaga, hayst! Buti pa ako matino. Ay, wow!

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon