29 - License or Love?

1.8K 107 213
                                    

Samantha's point of view

NANDITO KAMI ni Savi ngayon nags-swimming sa pool. Nasabi ko kasi sa kan'ya na may 'Thalassophobia' ako, kaya sinamahan niya na lang ako rito sa swimming pool.

Nakasanayan ko na rin kasi na kapag magdadagat kaming pamilya ay sa beach sand lang ako tumatambay.

"Babe, picturan mo ako dali!" Pasigaw na utos sa akin ni Savi. Kung makasabi ng 'dali' akala mo may hinahabol, eh. Palibhasa pinanganak na apurada.

Binigay na niya sa akin ang kan'yang phone at siya naman ay todo flex ng kanyang puwet at dibdib. Sino ka jan, Toni Fowler? Toni Follower? Toni Flower?

Gusto ko rin sana iflex ang aking swimsuit na suot, kaso naalala ko na may dragon pala na nakamasid sa akin ngayon.

"Babe, alam mo ba?" Pagbasag ni Savi sa katahimikan.

"Hindi, ano ba 'yon?" Pilosopong sagot ko.

"Ito naman ang pangit kausap!"

"Atleast maganda yung kinakausap mo."

"Aanhin ko 'yang ganda mo kung matinong kausap ang kailangan ko ngayon!" Bara nito sa akin. Kahit kailan talaga!

"Ito naman! Ano ba kasi 'yon?

"Ehhh~ may babae akong nakita doon kanina nakaupo. Ano ba babe, pormahan ko ba?" Nanlaki naman aking mga mata sa kanyang sinabi.

"Saviel Amara Guerrero, don't tell me bakla ka!?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay na nakapamewang. "Ano naman sa'yo, Samantha Louise Vergara! Hindi pwedeng ikaw lang ang bading sa ating dalawa no!"

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman! Kailan ba ako hindi naging seryoso ha? Pero ano babe, pormahan ko na ba?"

"Ewan ko sa'yo, bakla!"

"Ang bitter mo, bading! Palibhasa wala kayong label ni ms. Irene!" Banas na sagot nito sa akin at nakatanggap naman ito ng palo sa braso.

Aray! Bakit kailangan mamersonal?

-•-•-•-

NOW WE ARE ALL HERE at the seaside having fun, nakaupo lamang ako sa isang tabi habang pinapanood sila. Irene was also sitting in another chair, a bit far from me.

I haven't been able to change my clothes yet since sir Tejada suddenly invited us to have fun.

Now we are all drinking alcohol, ngunit beer lamang ang aking kinuha dahil hindi naman ako umiinom ng alak. Hindi ko rin kasi kontrolado ang aking katawan kapag lasing, kaya mahirap na. Mabuti sana kung nasa probinsya ako at sila Mama ang mag-aasikaso sa akin. Kaso wala nga.

They are all dancing and sing along to the loud music. Ang iba ay tumatalon, sumasayaw, kumakanta at ang iba naman ay lasing at bagsak na.

Tinitignan ko na lamang sila kung paano bumagsak isa-isa. Si Savi naman ay hindi ko alam kung nasaan. Baka humanap na naman 'yun ng kalandian niya.

"Babe! Ano 'yan bakit beer lang ang iniinom mo?" Speaking of. Bigla siyang tumabi sa akin."Try mo 'to, babe masarap 'yan. Promise!" Paga-alok niya sa akin ng kan'yang iniinom ngayon.

"Alam ko na masarap, pero hindi ko naman kasi kontrolado ang aking katawan 'pag nalasing."

Nakita ko naman kung paano bumusangot ang mukha niya. "Ito naman, minsan lang eh! Sige na!"

"Ayoko, Saviel. Hindi ikaw ang mag-aasikaso sa akin 'pag nalasing ako."

"Oo, hindi ako. Pero pwede namang si, miss Irene nalang 'di ba? Hehe." Hinampas ko siya sa braso dahil sa hindi ko mapigilang inis. Irene na naman ang labas ng bibig niya, tsk!

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon