27 - flirt

1.9K 105 125
                                    

Samantha's point of view

"BABE, GISING NA!"

"UY!"

"Postponed mo muna 'yang panaginip mo, babe." Unti-unti kong minulat ang aking mata nang magising ako dahil sa ingay ng boses ni Savi.

Hindi namamalayang ako pala ay nakasandal pa rin sa braso ni ms. Irene, ang kan'yang kaliwang kamay ay naka akbay sa akin at ang kanan naman ay nakayakap sa akin. Naramdaman ko rin na nakasandal si ms. Irene sa aking ulo.

Pinipilit kong umalis sa pagkakayakap niya, ngunit masyado mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Parang ayaw ako pakawalan, ampucha.

Gaano na kaya kami katagal sa ganitong puwesto?

"Ms. Irene, gising na po." Sinimulan ko na itong gisingin, nakahinto na ang bus at mukhang kami nalang ang hinihintay lumabas.

"Mamaya na, love. I'm so tired pa kaya, let me rest muna." She said with sleepy tone, burying her head on my neck and hugged me very tight.

"Ms. Irene, wala po tayo sa condo niyo. Hinihintay na po tayo ng mga kasama natin sa labas, kaya umayos na po kayo." Pagpapaalala ko sa kan'ya. Baka nakakalimutan niya kasing nasa bus kami at wala sa condo.

Bigla niya naman idinilat ang kan'yang mata at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Hayst, FINALLY!

"Nakita ba nila tayo?" Tarantang tanong niya sa akin, umiling naman ako bilang sagot.

Nag-ayos muna kami ng mukha bago bumaba ng bus. Alangan namang lumabas kami na bagong gising 'di ba? Edi napagtawanan kami nang wagas.

"Uy kayo ha, may payakap-yakap pa kayong nalalaman," Ginawaran ko naman si Savi ng palo sa braso nang magsimula na naman siyang asarin ako pagkalabas ko ng bus.

"Aray teh, ha! Napaka sadista mo sa totoo lang." Hinihimas-himas ang kan'yang braso pagkatapos makatamo ng hampas mula sa akin.

"Kung hindi ka kasi nang aasar 'di ba?! Hindi ka magkakaroon ng palo diyan sa braso mo,"

"Ito naman, pero maiba ako. Ganyan ba kayo sa condo ms. Irene?" Nanlaki naman ang aking mga mata sa kan'yang tanong. Hindi nakawala sa kan'ya ang keaksyon ko kaya lumaki rin ang kan'yang mata.

"Huwag mong sabihinhmp!" Tinakpan ko kaagad ang kan'yang bibig at hindi na pinatuloy magsalita. Mahirap na baka may makarinig pa sa kan'ya.

"Ito naman eh, parang tanga! Pero totoo ba?" Pangungulit nito sa akin pagkatapos ko tanggalin ang kamay sa bibig niya. Tsk, sana pala hindi ko na lang tinanggal.

"Ang alin ba?!" I asked irritatedly, frowning my forehead at her.

"Ano uhm.. Ano basta 'yon.. yung..." Putol-putol na saad niya. "May nangyari sa inyo?" Nagulat naman ako sa kan'yang tanong nang mabuo ito. Kahit kailan talaga utak neto, POLLUTED!

Napalunok muna ako bago sumagot. "H-huh? Wala, inalagaan ko lang siya doon. K-kasi nagkasakit siya."

Kahit kaibigan pa kita hinding-hindi ako aamin na siya ang nakakuha ng birheng maria ko.

"Okay, sabi mo, eh. Pero alam mo teh kanina nakita ko si ms. Dawn." Nagpakawala ako ng hininga nang baguhin niya na ang topic namin.

"Ano, bakit, ano nangyari?"

"Teka lang ha, isa-isa lang. Isa lang ako oh? Pero ito na nga, nakita ko siya kung paano makatitig sainyong dalawa ni ms. Irene. Parang may something you know..." Chismosa mode ako ngayon, kaya wag kayo!

"Anong you know?"

"Lutang naman neto kausap." Naiinis niyang pagkamot sa ulo. Malay ko ba, hindi niya naman ako dinederetso, eh. "Parang nagseselos siya sa inyo ni ms. Irene,"

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon