54- father

1.8K 104 52
                                    

Samantha's point of view

I WOKE UP TO THE DAZZLING SUN hitting my face through the window, I averted my head until it aimed at Irene. Nakayakap siya sa akin habang tulog, ako naman ay antok pa talaga dahil hindi ako pinatulog ng babaeng kasama ko kagabi.

Ewan ko ba, gustong-gusto niya talaga pag-usapan ang magiging future namin at ilan daw ang magiging anak namin.

Sabi ko isa lang, siya ang gusto ay volleyball team. Akala mo naman kakayanin ng matres ko! Mabuti sana kung siya rin ang magbubuntis, edi tig tatlo kami. No problem!

Sa sobrang inis ko dahil hindi bumalik ang antok ko, napagpasyahan ko na lang bumangon nang dahan dahan dahil baka magising si Irene, dahan-dahan din akong kumalas sa yakap niya. Kung makayakap kasi wagas, napakahigpit.

Ginamit ko ang extra toothbrush ni Irene sa banyo nang maghilamos ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Tinali ko na rin ang buhok ko para makita ang kagandahan ko ngayong umaga. What a good morning!

After I used the bathroom in Irene's room, I saw her moving as if she's looking for someone while her eyes is shut. I approached her to find out what was happening to her. Nananaginip ba siya?

"Love..." She said even asleep. Hinahanap niya ako, o napanaginipan niya ako?

Kinumutan ko na lang siya at itinanday sa kan'ya ang unan na katabi niya para kahit papaano ay may kayakap pa siya. Gusto ko na rin kasing lumabas at tumulong sa baba para magluto ng almusal.

After I came out in Irene's room, I noticed a room with the door slightly open. I saw that there was a sign on the door it's 'President's office'.

Sumagi naman sa isip ko na hindi kaya nakauwi na ang Mama't Papa niya? Paktay! Ano na lang kaya kapag nakita nila ako? Malaking gulo 'to panigurado.

Sana pala kagabi pa lang umuwi na ako at hinayaan na mag-inarte si Irene, pero hindi. Hindi naman kami magkikiss kung uuwi kaagad ako, ay! Ang shunga mo Samantha.

"Huy!" Nawala naman ako sa pag-iisip nang may biglang kumalabit sa akin.

"Ay ukina-" Gulat na sabi ko, ngunit mas nagulat ako na si ma'am Imee pala ang nasa likod ko kaya napatakip kaagad ako ng bibig.

Muntikan na.

"M-ma'am Imee, kayo po pala. G-good morning! Hehe,"

"Walang maganda sa umaga kung mumurahin mo ako nang pailokano." She answered with no emotion.

Naalala ko na ilokano rin pala sila, jusko patay! Nagsama sama ang mga ilokana.

"S-sorry po.."

Gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon, tulungan niyo ako!

"Biro lang! Ikaw naman kasi, ano ba tinitignan mo riyan sa opisina ni Daddy, eh wala namang tao diyan," She joked and asked at the same time.

Buti naman biro lang 'yun, kinabahan na kaya ako.

"H-huh, walang tao po? Eh, bakit nakabukas ang pintuan, wala po ba si mr. President?" I wondered.

"Ah, naglilinis lang sila riyan kanina. Baka nakalimutan lang isara ang pintuan." She replied. "Atsaka sila Daddy at mommy ay hindi ko pa alam ang uwi, baka nga nakalimutan na nila kami dito eh."

Buti naman kung ganoon, siguradong patay talaga ako kapag nagkatoon na makita akong nandito sa palasyo nila.

"Pwede ko po bang malaman kung saan sila pumunta?" Hindi ako chismosa, gusto ko lang talaga malaman.

"Sa Ilocos Norte, binisita lang nila 'yung pinapagawa nilang ospital at eskwelahan para sa mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa din sila umuuwi, sabi kasi bisita lang." She narrated to me and laughed slightly which I nodded and laughed too.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon