19 - what happened?

1.4K 92 217
                                    

Samantha's point of view

8:30 NA NGAYON, nandito pa rin ako sa library para mag-review para sa nalalapit naming 1st diagnostic test sa General Education. Dahil pagkatapos ng diagnostic test, ang aming summative test ang susunod.

Puro test! Try niyo nga i-test ang sarili ko para malaman kung okay pa ako.

Mabuti nga ay pinayagan ako ni ms. Irene na magtest sa subject niya kahit hindi ako pumapasok. May proctor nga lang na magbabantay sa akin.

"Letche naman! 'Wag na mag-aral kung mamamatay lang din naman," I irritatedly stated in annoyance.

Ilang kabanata na ata na puro aral lang ang nagagawa ko. Aral at mukmok, nakakainis. 'Yung mga daliri ko malapit na magkakalyo kakasulat.

"Joke lang pala, kailangan ko muna maging teacher bago ako mamatay."

Later on, my stomach instantly growled while I was reviewing our lessons. I remembered that I didn't eat again after leaving since I was in such a hurry.

Hindi ako nabusog sa sama ng loob na kinain ko kanina.

Napahawak ako sa tiyan ko at natahimik nang maisip ko ang ibibigay sana sa akin ni ms. Irene kanina, pero wala naman akong naramdaman na pagsisisi na hindi ko tinanggap ang alok niya sa akin.

Tama lang 'yun, ayaw ko magkaroon ng utang na loob pagkatapos niya akong saktan at pahirapan ngayon.

If it were really true that God made a time machine, I would kindly ask him to bring me back to the time when my parents and I were not separated in different places.

I will tell to my Mama not to let me study in Manila, so I can fulfill ms. Irene's "hope".

Ang sana niya, na sana ay hindi niya na lang ako nakilala.

Truth hurts Samantha, pero sa kanya na mismong nanggaling iyon. Wala na tayong magagawa.

Malaki ang pagsisisi niya pagdating sa akin.

Magulo 'man ang mundo, ngunit walang makakatumbas sa gulo ng buhay niya. Kulang na lang maging maid for one day ako para ayusin ang takbo ng isip niya.

Wala tayong magagawa, hindi nga ako ang pinili niya noong nakaraang araw eh. – lol! Bakit sino ba ako para sa kan'ya?

Future wife para piliin? Ugok!

My mind went deeper when I remembered Darlyne, I wondered where she is and why I don't see her here at the university anymore? Did something bad happen to her?

Oh no, deserve!

Sana after this month maging maayos na ang buhay ko at ilabas na nila ang mga ebidensya na ako ay napapatunayang inosente. Gusto ko ng maging payapa ang buhay ko.

Hindi nga lang kagaya ng simula, pero okay na rin.

Habang nagpapalunod ako sa pagiisip na nakadekwatro ang mga paa at ang dalawang braso ay nasa lamesa na nakasandal, nanigas naman ang katawan ko nang may mahabang kamay na pumulupot sa bewang ko.

"How's your day?" A familiar woman voice with husky tone asked me. I could feel her breath through her nose sniffing my scent on my neck.

"M-ms. Dawn," I uttered her name and I heard she chuckled softly.

Si ms. Dawn nga! Boses pa lang at tawa. Akala niya maloloko niya ako huh.

"How did you know it was me?" She jokingly asked while laughing silently.

"Boses niyo pa lang po alam na alam ko na ms. Dawn,"

"Hmmm, okay! Dahil diyan may reward ka sa akin," I wondered what kind of reward she was talking about, but then after a second I saw that she had a bento box laid out on the table.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon