06 - stuck

2.2K 122 126
                                    

NARRATOR

PAGKATAPOS kumain ni Samantha ng dala ni Irene para sa kan'ya, nagtaka naman siya nang makita niya lang si Irene na nakatitig sa kan'ya buong magdamag at hindi sumabay sa kan'ya sa pag-kain.

Noong una ay nag-aalinlangan pa siya na magtanong, pero ito lang din naman ang paraan para mabawasan na ang tanong sa isip niya.

"Ms. Irene, bakit hindi po kayo kumain?"

Tumingin naman si Irene sa kan'ya na nakatingin kanina sa bintana, sabay binaba ang kamay niyang nakatukod sa lamesa.

"Kumain na ako sa condo ko kanina," Simpleng sagot ni Irene na ikinatango na lamang ni Samantha.

"Kayo po ang nagluto?" Hirit na tanong pa ni Samantha.

"Malamang, alangan naman na bigyan kita ng niluto ni Rachel." Irene's grumbling reply.

"Po, ano po? Hindi ko po kasi kayo narinig eh," Samantha asked again because she didn't hear Irene's answer.

"Wala, ambingi mo. Bahala ka sa buhay mo, 'cause I won't repeat it again." Conyong saad ni Irene na ikinawingi ni Samantha.

"O-okay po."

Samantha was about to stand up, when she remembered that she almost forgot to return the bento box to Irene. So she put the bento box back in the paper bag and handed it to Irene.

Irene wondered when Samantha gave the bento box to her. "Ano 'to? Bakit mo binibigay sa akin?"

"Sinasauli ko na po sainyo, kasi tapos na ako kumain."

"Talaga ba, ms. Mendoza? Mukha ba akong basurahan? Basurero?"

Napakunot naman si Samantha sa sarkastikong sagot ni Irene. "Bakit po?"

Napahilot naman ng sentido si Irene at palo ng kamay sa lamesa nang tanungin siya ni Samantha pabalik. "Oh my gosh! Ms. Mendoza ang bento box ay disposable, not reusable. Okay!?"

"Gagawin mo pa akong basurero, eh ako na nga itong nagbigay sa'yo ng breakfast!"

Samantha just scratched her head since  she didn't know that the bento box was disposable or being thrown away. She thought it was a normal food container that's why she returned it to Irene.

"Sorry po, hindi ko naman po alam eh."

"You're so maarte!" Irene snarled. "Ang sabihin mo kasi gusto mo lang maka-ulit ng libreng breakfast sa akin, kaya mo sinauli." Samantha raised her eyebrow at what she said.

'Ang assuming din neto eh!' Samantha thoughts while staring at Irene with her eyebrows raised.

"Ano, hindi ka makasagot no? Kasi it's true, 'di ba?"

"Hindi po no! Atsaka hindi naman ako nanghingi sa'yo ng breakfast eh, kusa po kayong nagbigay ganun."

"Ano ako si God? Kusang nagbibigay ng blessings?"

"Babae ka naman po ms. Irene, so paano ka magiging si God, eh wala ka rin namang tuytoy." Saad ni Samantha na ikinalaki ng mata ni Irene, dahil sa walang preno nitong bibig.

"Huy! Ang ingay mo. Pwede ba? Matuto ka naman ipreno 'yang bibig mo, dahil aatakihin na talaga ako sa puso dahil sa'yo!"

"May clinic naman diyan ms. Irene, lipad ka na lang."

"Anak ka ng– halika na nga at bilisan mo, para hindi ka malate sa subject ni mrs. Sanchez." Tumayo na si Samantha para itapon ang box sa trash can.

Ngunit napahinto naman siya sa pagtayo sa kadahilanang may tanong na naman na pumasok sa isip niya. "Bakit niyo po pala ako hinihintay ms. Irene, sasama po ba kayo sa akin?"

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon