48 - rest

1.8K 117 110
                                    

Samantha's point of view

Continuation

"I-IRENE.." Halos tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang nasa harapan ko na mismo, wala pa rin siyang pagbabago sa sarili.

Maganda pa rin kagaya ng dati.

Muling nagsitaasan ang mga balahibo ko sa aking katawan at nakaramdam pagkabog sa dibdib na tanging siya lamang ang nakakapagpagawa nito sa akin. She's back, she's finally back.

"Love, I'm back. I missed you," She tearfully smiled, she feels tears of joy.

She was about to walk to hug me when I stopped her by blocking my hand. A familiar girl approached her who couldn't escape my sight. I know her, siya ang batang nakausap ko sa loob ng Kultura Filipino store kanina.

Habang tinitignan ko ang mukha ng bata, napagtanto ko na hindi ako nagkakamali na si Irene nga ang narinig ko na tumawag sa kan'ya na 'anak' kanina.

"A-anak mo?" I swallowed again and again nervously even though my saliva was drying up. Sana hindi.

Hindi ko yata kakayanin kapag nalaman ko na galing sa kan'ya ang bata, pero hindi ko maiwasang isipin na anak niya dahil sa mata pa lang ay halos magkaparehas na sila.

"No, she is my sister's step daughter," Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang dahil sa nalaman ko. "Ning, magpakilala ka dali,"

"My name is Kitty, but they call me Muning or Ning, because my mama said I look like hello kitty," She politely introduce, giving me a light smile.

Kahit na gusto ko nang sumabog nang dahil nakita ko si Irene, binigyan ko pa rin ng ngiti ang bata bilang ganti. Pilit na ngiti lamang.

I shifted my gaze at Irene, looking at her coldy. "Eh, ikaw ba? Anak mo ba 'yang kasama mo?" Her question that made me stunned for a while.

"Yesh pwo, I'm mommy's baby!" Masiglang sabat ni Kaiden na ikinagulat ni Irene. Hindi ko magawang magsalita dahil pakiramdam ko ay nananaginip lang ako para makita siya ngayon sa harapan ko.

"Mukhang tama nga sila, huli na ako para sa'yo." Little did she knows that I heard her whisper loud and clear.

I composed myself before uttering a word. "Uh, n-no. Anak siya ni Kiefer at Francine," Hinawakan ko ang kamay ni Kaiden upang hatakin paalis dito. "M-mauna na kami, Kaiden let's go,"

Hndi ko yata kakayanin ang eksenang nangyayari ngayon sa amin. Parang kanina lang kausap ko si ms. Dawn, grabe ang galit na nararamdaman ko sa kinwento niya.

"But, Mommy! Nandito si Iwene oh! 'Di po ba sabi niyo 'pag bumalik siya matutuwa pwo kayo."

"No, Kaiden uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo. Nagbago na ang isip ng mommy, kaya let's go na." Nagtitimping saad ko sa kan'ya. Akmang aalis na sana kami, ngunit hinawakan ni Irene ang braso ko upang pigilan umalis.

I couldn't help but feel butterflies in my stomach when I felt her warm and soft palms on my skin again. It's been a while since I felt her skin on me, I still can't help but soften.

"Kamusta ka na?" She softly asked that made me back to the reality. I immediately withdrew my arm to her hands.

I bit my lips to prevent my anger as I sarcastically laughed. "Talaga bang magtatanong ka pa nang ganyan pagkatapos mo akong iwanan?"

"Love," Tila naguguluhan niyang sambit. "Hindi ba nag-iwan ako ng letter sa'yo, hindi mo ba nabasa?"

"Sa tingin mo sapat na sa akin 'yung letter para iwanan mo ako nang ganoon kadali? Irene, sana man lang nagbigay ka nang malinaw na dahilan, hindi 'yung sa iba ko pa malalaman na nasa ibang bansa ka!" Wala na akong pakielam kung pagtinginan man kami ng mga tao ngayon dahil sa malakas kong boses.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon