16 - weak

1.1K 88 129
                                    

Samantha's point of view

"BABE, AYOS KA LANG BA?"

Nanginginig ang buong katawan ko, kahit maglakad ng maayos ay hindi ko magawa. Napahawak na lang ako sa bakal na upuan at kumapit sa braso ni Kiefer para hindi mahulog. Ramdam ko na may sugat ang labi ko at nalalasahan ko na rin ang dugo dahil sa malakas na sampal ni ms. Irene sa akin.

Magang-maga ang mga mata ko sa kakaiyak simula kanina dahil sa pagmamaltrato nila sa akin.

Hindi ko lubos maisip na sa dinami-dami ng tao sa mundo at nag-aaral sa university, bakit ako pa?

Bakit ako pa ang kailangan nilang saktan mapapisikal o emosyonal?

Nag-aaral ako nang marangal, tapos ganito ang gagawin nila sa 'kin? Ni hindi ko nga ginusto na dikitan o awayin sila.

"Sam, kaya mo na ba?" Kiefer asked me with worried tone. Tumango na lamang ako bilang sagot dahil ayoko nang kinakaawaan nila ako sa naging lagay ko.

"Paano na 'yan? Umalis na sila Darlyne. For sure nandoon na sila sa Headmaster's office para pag-initan ka," Pangangamba ni Savi sa magiging lagay ko mamaya pagkapasok ko sa office ng mataas na pinuno sa university.

Siguro tatanggapin ko na lang kung ano ang maaring mangyari sa akin, hindi ko rin naman sila malalabanan dahil nga hindi ko sila kalebel.

I smiled bitterly and shut my eyes tightly, "A-ayos na ayos lang ako Saviel, k-kung ano 'man ang mangyayari sa akin.. g-gagabayan ako ng Diyos,"

Gusto kong makita nila na ayos lang ako at wala lang sa akin ang lahat lahat, pero sa totoo lang gusto ko namg sumuko. Gusto ko nang sumuko, kung sa araw-araw na paggising mo para pumunta sa paaralan ay ganito ang matatamasa mo.

Hindi mo mawari kung maganda ba o masakit minsan.

"Basta babe, i-kwento mo lahat nang mangyayari sa'yo pagkalabas mo dun ha? Ilabas mo lahat nang hinanakit mo sa amin, ayos lang."

"Atsaka lumayo ka muna kay ms. Irene, kasi ako 'yung nasasaktan sa tinatrato niya sa'yo. Baka hindi ko rin matantya at masampal ko rin siya," Francine jested and wiped my tears.

They fixed my hair as best they could and wiped my face full of chocolate cake.

"Hatid na kita Sam, para masigurado ko na ayos ka lang doon," Kiefer's offer to me, which made me smile at the kindness he has in his heart.

"Huwag ka ng umiyak, sige ka papangit ka niyan." He wiped those tears on my face.

Paano kung iiyak din ako doon?

Suddenly my two friends hugged me, Savi was in tears when she let go of my arms and Francine was smiling, but I could see the fear in her eyes.

"Basta, 'wag kang mahihiyang sabihin sa amin mangyayari sa'yo mamaya huh!" Savi said to me while crying, "Para naman maihanda na namin 'yung sarili namin kung ano ang pwedeng gawin doon sa dalawang 'yon."

"Kung kinakailangang kulamin si ms. Irene mag-aaral talaga ako kung paano at ipapalapa ko si Darlyne sa kapwa niya aso." Francine made us giggles.

Isa talaga ito sa hindi ko pinagsisihan na kaibiganin silang dalawa, simula kanina ay hindi nila ako hinayaang malapa ni Darlyne at ngayon naman ay sinusubukan nilang pagaanin loob ko hanggang sa makakaya nila.

Friends will stay through ups and downs, trouble and silence.

Sa maya-mayang pag-uusap namin ng mga kaibigan ko, may dalawang lalaki na lumapit sa akin. Ang mga mukha nila ay walang emosyon at nakastraight body ang postura.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon