32 - forgiveness?

2.2K 111 198
                                    

Samantha's point of view

"SAMANTHA.. Can we talk?" She pleaded, calmly. Ano ba dapat ang ugali kong igaganti dito kung masyado na niyang inabuso ang kabaitan ko.

"Importante po ba 'yan para paglaanan ko ng oras? Kasi may susunod pa ho akong klase na papasukan." I back fired and I saw how she was surprised at what I said.

"Samantha, what's wrong with you? Hindi ka naman ganyan dati, ah." Napataas naman ako ng kilay sa kan'yang sinabi.

Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganito. Wala akong pagsisisi sa sarili kung magtaka ka 'mang nagbago ang pananalita ko.

"Wala po sa akin ang mali, ms. Irene at ikaw, ikaw po ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito." Pinipilit kong kumalma sa kadahilanang baka makalimutan kong propesor ko ang aking kausap. Atsaka, higit sa lahat ay nasa loob pa rin ako ng University.

"P-please.. Samantha, can we talk?" She repeated, I could see in her face that she was sad. Should I say she deserves it?

"I'm sorry, ms. Irene. Pero wala na po tayong dapat pag-usapan pa dahil tapos na po ang lahat." I fiercely stated causing her tears to flow over her face. Hindi, Samantha. Hindi ka madadala sa iyak niya. Masyadong masakit ang ginawa niya sa'yo.

Nakita kona tumayo siya bago lumapit sa akin.. "N-no please, love. K-kausapin mo naman ako, please, please." She hugged me making my eyes closed firmly.

Now you will feel the pain of how to chase and drive away as you have done to me.

She buried her face against my neck and I could feel her cries getting louder and louder. My neck and shoulders are now getting wet because of her tears. Buti pa siya kahit anong oras pwede niyang iyakan ang balikat ko, pero paano naman ako 'di ba?

Pilit mong tinataboy.

"Maliwanag na po sa akin ang lahat, kaya wala na ho tayong dapat pag-usapan pa." Walang emosyong saad ko, pinipilit kong humihiwalay sa kan'yang bisig para makalabas na sa impyernong 'to.

"No, l-love please let me explain. I'm sorry, I'm sorry kung nasaktan k-kita."

Sana sa isang sorry mo ay matutulungan mo akong buohin ang sarili ko sa loob ng segundo dahil sa pagkakawarak mo.

"Ms. Irene, tumigil na po kayo. Ayoko po na mahuli nila tayo rito at ako pa ang maging dahilan nang pagkatanggal niyo sa trabaho." Pilit ko pa rin pinapakalma ang aking sarili, ngunit sa waka ay nagwagi naman akong humiwalay sa kan'yang bisig.

Ayokong mawala ang pinapangarap mo ng dahil sa akin, mahal ko. Mas gugustuhin ko na ako ang maghirap kaysa ikaw.

"Huwag mo naman gawin ito sa akin, love please, nasasaktan ako." She begged, holding my hands. Paano naman ako?

Mas nasasaktan ako, mahal ko. Pero mas pinili ko maging matibay dahil alam ko na may nagmamahal at umaasa pa sa akin. Ang mga magulang ko.

I immediately withdrew my hand to her, looking at her without emotion. "Nasasaktan din po ako, ms. Irene! Pero anong ginawa niyo sa akin? Pinagtabuyan niyo lang ho ako!"

"I-im sorry, hindi ko sinasadyang masaktan ka, please forgive m-me." She apologized as she gradually came to me again.

Hindi mo nga sinasadya? Hindi isang beses nangyari 'yun, mahal ko. Masyadong mapait para sa akin ang iyong ginawa.

"Gustong-gusto ko magalit sainyo, pero hindi ko magawa..dahil nananaig pa rin sa akin na mahal kita!" I tearfully exclaimed. "G-gusto ko iparamdam sa'yo ang ipinaramdam mo sa akin.. pero ayokong masaktan ka.. kasi a-ayos lang na ako ang masaktan, d-dahil sino ba naman ako para alalahanin niyo hindi ba?"

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon