62 - revealed

1.4K 104 82
                                    

Samantha's point of view

I WOKE UP WHEN SOMEONE'S TAPPING me on my shoulder, I was surprised to see that we were now in the front of my house here in Tuguegarao, Cagayan. I didn't even notice too that I had been asleep for a long time and Irene had been driving all night.

I shifted my gaze at her making me noticed that she seemed nervous. Anyare sa kan'ya? Atsaka paano niya nalaman ang exact address ko rito sa Cagayan, eh hindi ko naman binigay sa kan'ya 'yun, hindi rin naman kami gumamit ng google map or waze.

"Anong nangyari sa'yo love, bakit pawis na pawis ka?" I worriedly wiped the sweat from her forehead.

"W-wala.. Tara na, labas na t-tayo.." She stammered due to nervous. Wala? Pero kinakabahan.

Hindi ko maiwasang magtaka sa kilos na pinapakita niya sa akin. May tanong pa nga na hindi nasasagot sa tanong ko, 'tapos madadagdagan pa.

"Wala? Halos maligo ka na nga sa pawis, eh ang lamig lamig naman ng aircon dito sa kotse." I confusedly replied, but she just shook her head for response.

"Yeah, m-mainit lang talaga.."

Kakagising ko lang 'tapos dinadagdagan niya ang sakit sa ulo ko kakaisip. Mabuti na lang biglang sumagi sa isip ko ang sikreto na aaminin niya, kaya tatanungin ko na siya habang nasa kotse pa kami.

"Oh, nandito na pala tayo, umamin ka na. Anong sikreto ang tinatago mo?" Panimula ko nang maalala ko na sasabihin niya pala 'yun mamaya, siguro naman ito na 'yung tamang oras ng "mamaya" niya.

"Love..."

"Hmmm?"

"Uhh, love, 'yung family mo-" Irene couldn't continue what she was saying, when a manly voice spoke outside the car.

"Anak, Samantha!" Boses ni papa ang naririnig ko, kumakatok na ito sa bintana para mapansin ko dahil tinted ang bintana ng kotse ko.

"Mamaya na lang, tara na nga," Labag man sa kalooban ko ang pag-aanyaya sa kan'ya, ngunit wala na akong nagawa dahil pakikilala ko na rin siya kela Mama't papa.

Pagkababa namin ni Irene sa kotse, akmang yayakapin ko sana si Papa, ngunit ang mas unang niyakap niya ay si Irene. Para akong naging hangin ngayon sa kanilang dalawa

Huh, ako 'yung nandito, pero bakit si Irene ang unang niyakap?

"Irene, Ikaw nga!" Papa said incredulous while hugging Irene.

Teka, magkakilala sila? Paano naman kung ganoon, alam din ni Papa ang pangalan niya.

"Kamusta ka na? Grabe, wala ka pa rin pinagbabago," Wika ni papa kay Irene. Tumabi naman ako sa gilid upang makinig sa usapan nila.

"Ayos lang naman po ako tito Samuel, mas naaalagaan po ako nang maayos ng anak niyo." Irene glanced at me.

Kilala niya nga si Papa. Jusko! Anong nangyayari? Bakit wala akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon.

"Mira, asawa!" Papa called Mama. "Nandito na si Irene at ang anak mo!" Until I saw Mama immediately came out here in front of the house.

"Irene!" Sinalubong ni Mama nang pagyakap si Irene. "Mabuti naman ay bumalik ka rito,"

Talagang sa harapan ko pa talaga, pero magkakilala ba talaga sila?

I'm just standing here in front of them waiting for my parents to notice me, It's surprising and able to wonder that Irene and my parents already know each other.

"Anong nangyari sa inyo, bakit ginabi na kayo?" Mama asked Irene while wiping the sweat on my girl's forehead.

Wow, ah! Talagang pinunasan niya, ako dapat ang gumagawa niyan. Kung hindi ko lang ina 'to, tsk.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon