44 - gone

1.2K 96 85
                                    

Samantha's point of view

"ANO? H-HINDI, hindi puwedeng mangyari 'to.." Naluluhang sambit ko pagkatapos kong mabasa ang sulat na ibinigay ni Irene para sa akin.

Anong ibig sabihin niya? Iiwan na naman niya ako? Akala ko ba ako yung pinili niya? Bakit kailangan niyang umalis?

I immediately picked up my phone to call her, I'm still hoping that maybe I'm just mistaken. She's just in her condo or at school. Nang makaanim na tawag na ako sa kan'ya, cannot be reach lang ang natatanggap ko.

Sa pagkawala ng pasensya ko, naibato ko naman ang phone ko sa salamin na naging dahilan ng pagkabasag nito.

"Putangina naman!" Wala na akong pakielam kung sino pa ang makarinig sa sigaw ko, ang tanging gusto ko ay bumalik siya.

Pinaghahagis ko ang puwedeng itapon sa loob ng kwarto na 'to, gusto ko na lang sumabog sa galit at sakit na aking nararamdaman ngayon. Sinaktan niya na naman ako.

Narinig ko naman na nagriring ang phone ko, nakita ko na si Savi ang tumatawag kaya kaagad ko itong kinuha upang sagutin.

"H-hello?"

"H-hello, babe n-nasaan kana?" Nanginginig na tanong niya, nagtaka naman ako kung anong nagyayari sa kan'ya.

"Bakit, anong nangyari? Bakit nanginginig 'yang boses mo?"

"Nag away ba kayo ni ms. Irene?" She asked worriedly. Siguro nga'y mas gusto ko na lang na mag away kami kaysa makatanggap ng ganitong letter galing sa kan'ya. Goodbye letter.

"Bakit, ano ba talaga ang nangyayari ha? Alam mo, hindi na kita maintindihan. Puwede bang pakideretso na lang, kasi pagod na pagod na akong umintindi dito!" I yelled from the phone. Ubos na ubos na ang pasensya ko, sana inubos nalang din ako kung ganoon.

"Mas mabuti na pumunta ka nalang dito, I'm sorry babe."

Wala sa sarili kong binato ang aking phone. "Lintek naman oh!" Dahan-dahan akong napaupo sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko mapigilang maluha kapag naalala ko ang mga sinulat niya sa papel. Bakit ka pa mangangako kung hindi mo naman kayang panindigan.

-•-•-•-•-

"BABE!" Nag-aalalang bati sa akin ni Savi nang makasalubong ko kaagad siya sa gate ng university.

"Nasaan si Irene? Anong nangyari? Bakit ganyan 'yang ekspresyon ng mukha mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya, ngunit wala akong natanggap na sagot. "Bakit hindi ka sumasagot? Ano, nasaan na siya?"

I saw all the students were looking at us when I accidentally shouted. I felt ashamed, it made me crouched down in embarrassment.

"Babe," She hugged me to comfort. Nakaramdam ako nang pagkakonsensya, kaya hindi ko naiwasang mapahagulgol.

"I'm sorry, s-sorry.."

"Kumalat na sa buong University na nagresign na siya," Sambit niya na ikinagulat ko, lumakas na rin ang paghagulgol ko. "Hush, nandito lang ako, tandaan mo 'yan. Hindi kita iiwan, okay? Tutulungan kitang solusyunan 'yang problema mo,"

Umiling naman ako. "H-hindi, iiwan niyo lang d-din naman a-ako kagaya niya.."

"Sige lang, Samantha Louise. Ilabas mo lang 'yang sakit na nararamdaman mo," I felt she's caressing my back.

Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, hindi niya ako iniwanan kahit na marami nang nakakapansin sa amin na para bang kinakahiya kami.

"Samantha.." Rinig kong pagtawag ng pangalan ko. Alam ko kung kaninong boses 'yon, kaagad tumingin ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatayo malapit sa gate.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon