30 - friends

1.4K 104 141
                                    

Samantha's point of view

"SAMANTHA, inumin mo muna ito, oh. Kanina ka pa humihikbi." Francine offered me a water na tinanggap ko naman, ngunit hindi ko ininom. "Mamaya magpalit ka ng damit, ah. Tignan mo basang-basa ka," As she covered my body with a towel.

"Hay nako! Kung wala siguro ako roon kanina ka pa namin nilalamayan," Narinig ko namang saad ni Savo sa kabilang banda ko. "Okay kana ba, babe?"

"T-thank you. Oo, o-okay lang ako." I lied. Sa totoo lang, hindi talaga ako maayos. Pagkatapos ko marinig lahat ng sinabi niya, parang gusto ko na lang mabingi.

Ang babaeng nagpakita sa akin ng makulay na mundo, pero ang kapalit ay lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Sa lahat ng sinabi niyang masasakit sa akin, parang ako na 'yung binagsakan ng langit at lupa sa aming dalawa at kinutsilyo ng hindi mabilang sa dibdib.

Mas gugustuhin ko pang masaktan namg pisikal, kaysa makarinig ako ng masasakit na salita sa bibig niya at maibato sa akin.

Ikaw pa rin ang pipiliin ko, mahal ko.

"Grabe naman 'yan si ms. Irene! Nasa kan'ya pa naman ang boto ko, 'tapos sasaktan ka lang din pala!" Savi complained making Francine laughed at her. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"May botohan bang naganap?"

"Gaga! Hindi mo ba alam na ako ang president ng SamRene, pero sa ginawa ni ms. Irene, SamDawn or Dawmantha na tayo ngayon!" Nag-apir naman ang dalawang gaga sa harapan ko. "Miss Dawn, galawin ang baso~
Miss Dawn, galawin ang baso~" Pagriritwal pa nito na ikinarolyo ng mga mata ko.

"Tignan mo, wala na tuloy mata si Samantha, hahaha!" Francine jested that made me glared at her before slapping her arms.

"Simula ngayon, 'wag mo nang kakausapin at lalapitan 'yang si ms  Irene. Kapag ikaw naging marupok ihahampas ko talaga sa'yo lahat ng panggatong ni mang Berting!" Pagbabanta ni Savi na akala mo'y natatakot ako. Dinamay pa talaga ang magsasaka nila.

"Nandito lang kami, Samantha. Hinding-hindi ka namin iiwan kahit may pagkasiraulo itong si Savi,"

"GROUP HUG MGA JINUGJUG!" Savi yelled before pulling us for a group hug.

"Ambastos talaga ng bibig mo, Saviel! I complained in annoyance.

"Joke lang, I love you both!"

"We love you too!"

Maswerte ako sa part na may kaibigan akong dinadamayan ako ngayong lunod na lunod ako sa sakit. Hindi nila ako iniwan. Si Francine ay nag-effort pang sunduin ako sa Zambales at si Savi naman ay sumama para damayan ako kahit na gustong-gusto niya pa makipagsiyahan sa night party.

Flashbacks

Kalimutan mo na ang lahat ng 'yon, Samantha." Inalis niya ang kamay ko sa kan'yang baywang na nakalingkis bago ako tuluyang iwanan dito sa tabing dagat.

Iniwan na ako ng mahal ko na napaluhod na lamang sa sakit, alam ko naman na talo ako.Trabaho niya ang kalaban ko, pangarap niya 'yun.

Kanina ang saya-saya namin. She's so sweet, acting like she's mine and I'm hers. Akala mo'y pagmamay-ari ang isa't isa.

but no..

Pwede bang siya na lang si Darna? Para naman mapansin niya ako at sagipin ang puso kong warak na warak na naman. Magpakalunod kaya ako sa dagat para lang ako'y sagipin niya?

Ito lang din ang tanging dahilan para mayakap ko siya, dahil hinding-hindi na ako bibitaw kahit sa huling hininga..

"Hindi, hindi niya ako iiwan." I said while sobbing and hugged my knees.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon