18 - cold

1.4K 92 256
                                    

Samantha's point of view

NANDITO NA AKO NGAYON sa condo ko, madilim na rin nang makauwi ako kanina. As usual ano pa ba ang ginagawa ko ngayon, edi mag-aral sa study table at magmukmok na naman.

Walang katapusang pag-aaral, hays buhay nga naman!

Nagsasagot lang ako ng mga activities sa libro, then nagsusulat ng lectures na binigay ni Savi sa akin pagkatapos nila sa subject ni ms. Irene

Gustuhin ko 'mang matulog na lang ngayon at mag-isip nang magagandang bagay, ngunit malabo talaga.

Malabo pa sa salamin ng lola mo.

Kailangan ko talagang pagurin ang sarili ko para matapos 'tong lahat ng 'to atsaka na ako pwedeng matulog. Hirap 'no? Pero wala eh, kailangan kong gawin ang lahat sa abot nang makakaya.

Kahit kaunting pahinga nga hindi ko maibigay sa sarili ko, feel ko tuloy ang selfish ko na. Wala 'man lang pagmamahal sa sarili.

Sa maya-mayang pagmumukmok ko sa lamesa ko, nagring naman ang phone ko sa tabi ng mga libro na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko ito at nakita ko na si Mama pala ang tumawag.

I fixed myself first, especially my voice that was hoarse from crying. Ayoko lang na mag-alala pa si Mama sa kalagayan ko rito.

Nasa probinsiya siya, nandito naman ako sa Manila.

"Hi 'nak! Musta ka na diyan, ayos ka lang ba?" Mama asked me worriedly matapos kong sagutin ang tawag.

Kung alam mo lang mama, hindi maayos ang Samsam mo. Pagod na pagod na po si Samsam.

Unang bungad pa lang sa akin ni mama, lumalabas na naman ang mga luha sa mga mata ko. Napakagat labi na lamang ako para pigilan ito, samantalang ang paghinga ko naman ay hinahabol ko.

"O-opo Mama, ayos lang a-ako.." I stuttered while preventing my sobs and tears.

Mama hindi ako maayos, kailangan kita.

"Ganun ba. Ah, eh, kumain ka na ba samsam ko?" Kahit kailan talaga si Mama ang daming tanong sa isip.

"Kumain na po kanina pa."

"Bakit ang tipid mo sumagot? May pinagiipunan ka ba para tugonan ako ng tipid na sagot?" She jested, while I was holding my mouth, so that she wouldn't hear my hiccups.

Hirap na hirap na po akong magsalita dito mama kung lagi akong pinangungunahan ng iyak ko.

"W-wala po Mama, okay lang p-po ako." Hindi po ako maayos at okay mama, kailangan ko ng karamay ngayon. Kailangan ko ang bisig mo.

"Teka umiiyak ka ba?" Biglaang tanong niya na ikinatahimik ko. Hindi niya pwedeng malaman, paano na 'to?

"P-po? Hindi po ah.."

Pasensya ka na mama, ayaw lang ng anak mo na mag-alala ka sa kan'ya. Gustuhin niya 'mang maglabas ng problema sa'yo, ngunit siya rin 'tong mag-aalala sa kalagayan mo kapag nalaman mo ang katotohanang lagay ng anak mo.

"Ay sows! Kilala kita 'nak. Anong problema, bakit ka umiiyak?" Just because of her question, the tears suddenly came out of my eyes and my sobbed that I wanted to make a sound since a while ago, I let it out completely.

"Sabi na, eh! Umiiyak ka talaga. Ako pa lolokohin mo, eh nanggaling ka kaya sa matres ko." She giggled. Si Mama kahit kailan talaga nakuha pang magbiro!

"M-mama I miss you, miss na miss na kita. Kailangan po kita mama, p-pagod na pagod na ako." Gustuhin mo 'mang isumbong sa kan'ya ang buong pangyayari tungkol sa akin, ngunit hindi pa talaga pwede.. hindi ko pa kaya..

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon