51 - return of love

2.1K 106 77
                                    

Samantha's point of view

"ANO? SIGE-SIGE pauwi na ako riyan. Katukin niyo lang nang katukin, nasa kwarto ko kasi lahat ng spare keys." Ma'am Imee said nervously as she stood up. Kitang kita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba.

"I'm sorry, Samantha pero kailangan na ako ng kapatid ko. Sa ibang araw na lang ulit tayo magkita at mag usap," Pagpapaalam niya ngunit tumayo rin ako para sumunod sa kan'ya.

"Sasama po ako, ma'am Imee. Hindi po ako mapapakali dito kung hindi ko malalaman ang kalagayan niya ngayon.,"

Alam ko na tama 'tong ginagawa ko kaya sasama ako. Hindi ko hahayaang malagay sa panganib ang buhay ni Irene.

Isang beses na siyang nawala sa akin, hindi ko na hahayaang maulit pa 'yun.

"Thank you, Samantha. Halika na," Pagpapasalamat niya na ikinilambot ng puso ko. Totoo nga na mababait sila, kaya maraming tao ang nahuhulog sa kabaitan nila.

Magkahiwalay kami ng kotse na ginamit ni ma'am Imee, kasama niya ang bodyguard niya at ako naman ay dala-dala ko ang kotse ko. Noong una ay gusto niya akong isama sa van nila, pero hindi ako nagpatinag dahil ayoko naman maiwan 'to dito sa mall.

Hindi ko maiwasang kabahan habang nagmamaneho dahil sa kalagayan ni Irene ngayon. Nang marinig ko pa lang ang sinabi ng kasambahay nila mula sa sa phone ay lumakas na ang pagkabog ng dibdib ko.

Sana lang ay walang masamang nangyari sa'yo, Irene. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka ulit ng hindi tayo nagkakaayos.

Halos mabaliw na ako sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho kakaisip sa kan'ya, ang dami kong tanong na paano, ano at bakit sa utak ko.

Not so long, I already arrived here at the palace. It was easy for me to enter the gate since ma'am Imee introduced me to the guard. that's why.

After I parked the car, we entered the palace and wow! I was amazed at how beautiful and spacious it was inside the palace. The belongings left by the former presidents here are still preserved. Wow! Just wow.

"Nasa kaliwa at dulo ang kwarto ni Irene, mauna ka na toon at kukunin ko lang ang spare keys," Ma'am Imee commanded nervously which I nodded to obey her.

Hinanap ko ang kwarto niya na kaliwa at dulo raw sabi ni ma'am Imee. Napakarami kasing kwarto rito, dinaig pa ang nagpaparenta ng kwarto sa bahay. Nang makarating ako sa dulo at kaliwang bahagi ng kwarto, nakita ko na may nakalagay na 'Irene' sa kan'yang pintuan. Ito na 'yun.

Katok lang ako nang katok hanggang sa magbukas ang pintuan at iluwa si Irene nito, pero wala. Wala ni isa ang bumubukas at walang sumasagot sa loob.

"Irene! Buksan mo 'yung pintuan, please!"

Maya-maya ay may dalawang kasambahay ang lumapit sa akin at tinitigan ako nang diretso. "Sino ho sila? Bakit ho kayo nandito sa kwarto ni ma'am Irene?"

"Uhm, ako po si Samantha at pumunta po ako para kay Irene," I politely introduce my self, giving them a light smile.

Hindi ko na yata kakayanin 'tong pangyayari na 'to kapag may masamang nangyari kay Irene.

"Naku ma'am, kayo po pala 'yung Samantha na sinisigaw ni ma'am Irene lagi. Alam mo ma'am, naawa nga ho kami riyan kay ma'am Irene kasi lagi nalang po siya umiiyak at sinisigaw ang pangalan niyo." Sambit ng isang kasambahay na parang mas lalong ikinahina ng katawan ko.

Ganun na ba talaga ako ka-sama sa kan'ya?

"Samantha! Ito na 'yung susi, bilis buksan mo," Ma'am Imee exclaimed. Inabot niya sa akin ang susi na kaagad ko naman itong tinanggap

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon