65 - Mira's birthday

2.2K 97 120
                                    

Samantha's point of view

BAGO KAMI LUMABAS NG BAHAY upang pumunta sa bukid, nagsunblock muna ako sa buong katawan para hindi ako mangitim dahil sa sikat ng araw. Naisipan ko na ring lagyan si Irene para pantay pa rin ang kulay niya pag-uwi ng Manila.

"That's enough, love. Halos pinaligo mo na sa akin ang sunblock, eh!" Pagrereklamo niya habang kinakalat sa buong katawan ang nilagay ko na sunblock sa kan'ya.

Aba! Ang lakas naman nito magreklamo.

"Okay na 'yan, kaysa naman maging kulay uling kana pag uwi ng Manila. Magalit pa sa akin si Mommy at Daddy." I protested while helping her to spread the sunblock that I put on her face.

"I wab you!" She cutely said, snorting for a kiss. Ito na naman siya sa pagpapacute niya, pasalamat na lang talaga siya na cute siya.

"I love you too!"I pecked her lips.

"Isa pa, please?" She pleased, but I just shook my head in response. "Why? Hindi mo na ba ako wab?"

Anong isa suntukin kaya kita. Mamaya mahuli na naman kami ni Mama rito, wala na akong madadahilan.

"Mamaya, pagbalik natin dito, you can touch me and own me." I seductively whispered and I saw how dumbfounded she was at what I said.

Syempre joke lang 'yun. Hindi ko naman kasalanan na uto uto siya na magpapaniwala sa mga sinasabi ko.

"S-sabi ko.. kiss lang.." Ang choosy pa.

"Bakit ayaw mo?" Mataray ko na tanong.

"Syempre gusto, kaya nga tara na para makabalik tayo dito nang maaga." She answered ang giggled at the same time. Aba, siraulo!

Pagkarating namin dalawa sa kubo, nakita ko si Mama na malayo ang tingin. Sa lamesa naman ay nakahanda na ang mga pagkaing nilatag niya ngayong kaarawan niya.

"Happy Birthday, Mama!" I greeted her enthusiastically as I hugged her sideways.

"Salamat, anak ko na pinaka-maganda!" Asus bolera talaga si Mama!

"Hay nako ma! Wala ka namang choice, dahil ako lang kaisa-isa mong anak." Pambabara ko na naman sa sinabi niya habang pasimpleng kumukuha ng lumpiang shanghai.

"Sabagay, kung nabuhay lang sana ang kapatid mo noon, eh 'di sana hindi ikaw ang binubudol ko ngayon." Nawala naman ang ngiti ko nang maalala ko ang aking kapatid.

"Ma naman! Sige ka, mumultuhin ka ni Samson." Sumimangot ako habang nakayakap sa kan'ya, pinipilit ko na maging masaya ang aking sarili kahit na nalulungkot ako kapag naaalala ko siya.

"Sino po si Samson?" I heard Irene asked politely. Ay, muntikan ko na makalimutan may isang tao pa pala rito sa kubo. Hehe.

Imbes na ako ang sumagot sa tanong ni Irene, hinayaan ko na lamang si Mama. "Kapatid siya ni Samantha noon, ngunit sa kasamaang palad hindi siya kumapit ng mabuti sa sinapupunan ko."

"Bakit po nawala?"

"Limang buwan pa lang akong buntis noon, nagsasaka pa ako habang tirik ang araw, 'tapos hindi ko namalayang pumutok na pala 'yung panubigan ko at ayun na. Pagkarating namin sa ospital, halos puno na ako ng dugo nun at hawak hawak ko na ang batang hindi pa gaano buo."

"Bakit hindi mo kinukwento sa akin love?" Mahinahong tanong ni Irene nang lumipat ako ng puwesto sa tabi niya, sinandal ko na lamang ang aking ulo sa kan'yang balikat.

"Masyadong malagim ang nangyari para kay Samantha noon, wala siyang pinagkukwentuhan noon dahil ayaw na talagang maalala. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pagiging pabaya niya raw sa pagaalaga sa akin, eh kahit hindi niya naman kasalanan."

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon