57 - Kaiden

2.3K 111 158
                                    

Samantha's point of view

"GOOD MORNING, MOMMY!"

Masiglang bungad sa akin ni Kaiden pagkabukas ko ng pintuan sa aking bahay. Kasama niya ulit si Kiefer na papasok sa trabaho, mukhang ipapaiwan na naman sa akin ang kan'yang anak.

"Good morning, baby ko, " Pagkabuhat ko sa kan'ya, hinalik-halikan ko ang pisngi niya na matagal ko nang namimiss.

Nakakagigil, isa pa 'to, ang sarap kagatin!

"Mommy, namiss pwo kita." He cutely pouted. Mas niyakap ko naman siya nang mahigpit.

Ilang araw rin kami hindi nagkita matapos nang pagkikita namin ni Irene sa mall, mas nafocus kasi ako sa trabaho ko noong mga araw na' yun.

"I missed you more, anak, "

Tama nga si Irene, magiging maswerte ang aming anak sa pagmamahal na ibibigay ko.

"Mommy, ano pwo 'tong nasa neck mo?" Inosenteng tanong niya habang buhat buhat ko nang may mapansin siya namumula sa leeg ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang matandaan kong hindi ko pala natutukan ang mga marka na iniwan sa akin ni Irene, nakalimutan kong pahiran ng cold compress.

"Uh, m-mosquito bites, a-anak." I stuttered, giving him a nervous smile.

Bakas sa mukha niya na parang hindi siya kumbinsado sa sinabi ko. "Mosquito bites?"

"Y-yes."

"Ang laki naman pwo pala ng mosquito sa inyo mommy, " He uttered with scared tone which I just nodded for response.

Oo, nakakatakot ang lamok sa bahay ko. Hehe. Minsan nagiging dragon pa kapag nagagalit.

"Kaiden, tigil na. Kinakabahan na sa'yo si mommy Sam mo, oh, " Sabat ni Kiefer na ikinarolyo ng mata ko. Nakuha niya pa akong tawanan. Lintek na mag-ama 'to!

'Pag ako nabwisit, papakagat ko rin' tong anak niya sa alaga kong mosquito na natutulog pa sa kwarto.

"Mommy busy ka pwo ba?" Kaiden softly asked while pouting. Para tuloy siyang si Irene 'pag may kailangan, nakanguso.

Nabaling naman ang atensyon ko sa kan'ya bago ko siya sagutin. "Hindi naman anak, bakit po?"

His face lit up knowing that I was not busy at work or else. "Bake pwo sana tayo mommy, pwede pwo?"

Mabuti na lang talaga hindi muna ako pumapasok ngayon sa school para magturo, gusto muna kasi ako pagpahingahin ni Irene at makasama namin ang isa't isa. Sumang ayon naman ako sa kan'yang sinabi dahil higit sa lahat ay namimiss ko rin siyang kasama, mas matutuwa ako na nasa iisang bubong kami na magkasama.

"Pwedeng-pwede anak, sige na mauna ka na sa loob. Mag-uusap lang po kami ni Daddy, " Utos ko sa kan'ya bago ko ibaba mula sa pagkakabuhat. Tumakbo siya sa garden upang maglaro.

Ang garden na talaga ang tambayan niya mula noon, minsan nga nahuhuli ko pa siyang dinidiligan ang mga halaman ko. Hindi na ako magugulat kapag naging plantito siya, tutal kasalanan ko naman.

"Kamusta ka na? Mukhang stress na stress ka ah." I worriedly asked him. Nakita ko naman na yumuko siya at tumango na lamang. "Dahil pa rin ba 'to kay Francine?"

"Hindi naman magbabago 'yun, Sam. Ginugugol ko na lang talaga ang sarili ko sa trabaho para makalimutan siya, kaso mukhang malabo, eh."

Hindi ko rin talaga maiwasang hindi mag-alala sa kan'ya dahil siya rin talaga ang nandiyan para sa akin noong lunod na lunod ako sa problema. Kaya heto ako, tinutulungan din siya.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon