!Read First!

3.8K 87 25
                                    

Hindi ko alam saan o paano magsisimula.


Give or take, three years na ang nakakalipas since sinimulan kong isulat ang story na hindi ko akalaing madami ang magbabasa,  ang The 8th Girl/Infinity. Sa lahat ng mga nakapagbasa ng story na madami din ang naguluhan, nalito at naiyak. I bet alam na alam na ninyo ang pinagdaanan natin nila Alyssa kay Presto Addict Sherri (XD).


Nangako ako sa mga readers ko dati ng prequels na naging drawing lang sa tubig. Kasi from some unknown reason hindi ko magawang sundan that time (up until now) yung story ni Polli. Para bang ang laki ng expectations at ang taas ng naging standard ng story niya na kahit anong simulan ko para bang ang cheap kumpara sa T8G.


So ayun, natengga ang dapat sana ay prequel ni Alyssa (hindi siya masaya) at pinost ko na lang ang kaunaunahan kong story made six years ago, ang Kady's Journey na barely translated to tagalog at certified "Ingrish Karabaw".  


Pinost ko din after that ang kwento ni Stellar, which is Salamat, na ginawa two years before ang T8G. You can say na sya ang spiritual parent ng istorya ni Kady. Before that ang short back to back story ni Tabitha in the form of Finally Weightless/?!.


Sa dinami-dami kong na ipost after ng T8G never pang na inspire akong gumawa ng sequel/prequel. Until today. 


Alasdos ng madaling araw at hindi ko na alam kung may sense pa ba pinagsasasabi ko dito. Pero yun nga dumagdag pa na nagtrabaho ako sa Zagu at Call Center ay nawalan na ako ng oras o ng drive magsulat kasi nga as I said before na di naman ako nakita dito o nawala na ung readers ko before kaya nawala din yung motivation ko.


Ang drama.


Pero eto na nga po. Ang matagal ko na ngang pinagako na continuation/sequel ng istorya na ngayon po ay pumalo na ng mahigit 600k reads. I know pipitsugin compared to the mainstream stories pero yung comments ng mga readers at ung mga nagbasa ang nagparamdam na parang 100m reads sa akin. Sa lahat ng mga previous readers ko ng T8G alam ninyo kung saan tayo nagsimula at alam ninyo na para bang naka 1m reads ako ng nag 100k ang story natin years ago.


I will start again anew. 


Like I promised years ago, mag uupdate pa rin ako basta may isang reader na nag-aabang ng story ko. And let me dedicate this story  sa isang magbabasa ko na kung hindi siya nagcomment ng simpleng "Update po, please? :))" sa T8G malamang hindi aabot sa ganto kadami ang nakapagpabasa. Vampire_wanna_be hindi ko alam kung may time ka pa ba o ganang basahin ito pero let it be known with finality na kung hindi dahil sayo pinabayaan ko nang nakatengga sa chapter 3 ang story ni Polli for eternity.


Maraming-maraming salamat.


-0-


Setting Expectations


The Sixth Girl is a Direct Sequel of The 8th Girl/Infinity. Different protagonist, different era, same world. I urge that you read the "Author's Corner" at the end of each chapters to know more about the new characters in this sequel.


Pwede ito sa mga hindi nakapagbasa ng T8G pero mas magegets at maapreciate ninyo ang story kung nasimulan ninyo ang first season ika nga.


Well, without further ado, nandito na ang sequel na hindi na drawing (promise) na three years natengga.


Pinapakilala ko sa inyo, si Verna... Ang babaeng utak nobela. LOL









The Sixth GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant