Chapter 2

1.2K 55 6
                                    


"I am positive that I failed this time!"

"Please Lord!"

"Patay ako neto kay mama!

"Oh my God!"

"Teka diko makita name ko!"

"A....A....Alvarez, Adan, Arcilla..."

"Shit! Dos lang sa Economics!"

Napatingala ako sa pagkakatungo habang nagbabasa ng libro ko. Ilang dosenang Vasquers ang nagkakagulo sa tapat ng isang malaking flat screen na nadikit sa pader ng lobby.

Napakunot ang noo ko at pinilit kong alalahanin ang date ngayon.

If I'm not mistaken, November 21st.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo na din ako sa kumpol ng mga babaeng naka summer hats at mga lalaking may suot na mga rayban at nakipagsiksikan na din hanggang sa tuluyang nakarating sa unahan kung saan ko hinanap ang aking pangalan.

Ilang saglit pa at nakita ko na din sa wakas at nakahinga na ako ng maluwag. Umalis na ako sa tapat ng screen at bumalik na sa naiwan kong paglalakad papunta sa labas ng school compound namin.

Sa halip na magbasa ay pinili ko na munang igala ang aking mga mata sa paligid.

Sa halip na kalangitan at mga ibon na nalipad ang nakita ko pag silip ko sa isang bintana ay isang malawak na lawa at mga isdang naglalanguyan ang aking nasulyapan.

Yes, underwater ang building ng Vasque. Sa ilalim ng artificial lake matatagpuan ang building ng mga pinakamatatalinong bata sa Versalia University.

It's one of a kind at talaga namang pinagmamalaki namin ang aming school building. We also have the largest library in the island at protektado ng state of the art materials at mga makakapal na salamin na kahit missile ni Mother Superior Sherri ay hindi man lang magagasgasan ang aming building.

Bawat room sa building na ito ay selyado at may mga escape pods kung sakaling pasukin ng tubig ang aming building ay madali kaming makakapag evacuate.

Nakarating na din ako sa wakas sa foyer kung saan pitong glass tube elevators ang taas-babang naghahatid ng mga estudyante mula surface to underwater and vice-versa. Sumakay ako sa pinakadulo sa kaliwa at napangiti ako ng makasabay ko ang isang grupo ng mga Phidoch na babae na may bitbit na mga libro na mukhang hiniram sa library.

Naalala ko bigla si Stellar, ang Representative Councilor ng Phidoch sa kanila.

They are also wearing intricate gloves at nahalata kong may nakaconceal na mga taser, baton at stun gun sa kanilang mga palda.

Typical Phidochs, never go anywhere unarmed same as Vasque that never goes anywhere without their books, tablets, laptops, wrenches etc.

Habang pataas ang elevator ay hinayaan ko ang aking sarili na tingnan ang blue na tubig at iba't ibang klase ng mga isdang makikita mo lang sa ilalim ng dagat.

Konektado sa dagat ang artificial lake namin kaya come and go ang mga lamang dagat gaya ng mga pawikan, pusit, jellyfish at octopus na nandito.

Nakaramdam ako ng pride bilang Vasquer.

What do they got on the other factions? A lot of snow, sand and dust? Dito napapaligiran ka ng tubig at mga isdang naglalanguyan! Only Zymeth can rival our closeness to nature.

Bumukas na ang elevator at naglabasan na ang mga Phidochians na kasabay ko habang nasa likuran nila ako.

Tumingin ako sa aking taas at nakita ko ang isang grand spiral staircase leading to the top of our lighthouse na ginagamit na observatory ng astronomically inclined Vasquers.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now