Retreating Tide

335 20 12
                                    

"Ambassadress pwede papasa nung atsara sa tabi mo?" pakiusap ni Doreen sa akin pagkapasok nya sa front door ng embahada at bagsak ng sangkaterbang papel sa tabi ng isa sa aking empleyado na mukhang na eskandalo dahil may apat pa syang kaparehong tambak ng papel na hindi pa natatapos.

"Girl seryoso ka dito?" naiiling na tanong nito kay Doreen na mabilis kinuha ang iniabot kong bote ng atsara at binuksan ito sabay taktak sa ibabaw ng kanin at karne na naghihintay sa kanyang desk na hindi man puno ng papel eh may tatlong pc monitor naman nakapatong at pareparehong nagpapakita ng real-time statistics at poll results ng mga kandidato habang mabilis syang kumakain habang nagtatype bago sumagot.

Itinuro nito ang malalaki at itim na itim na mga eyebags nya, "Maggie tingnan mo ang mga ito at alam mo na ang sagot!"

Napataas naman ang kamay ni Maggie sa sinabi ng kaibigan at bumalik na sa pag eencode ng mga papers sa tabi nya.

I looked around the embassy at same scenario.

Same, meaning lahat may malalaking eyebags at tambak na trabaho na parang wala nang katapusan.

We've been like this for three weeks straight. Walang day-off at talagang siningil kami matapos naming magpasarap nung long weekend.

We are barely surviving this one last ordeal salamat sa mga padala nila Tito Brycen at Steven at Tita Polli at Tita Alyssa na inuuti-uti naming kainin.

Big kudos sa atsara.

Pampatanggal talaga ng umay.

"Doreen?"

"Yes, Ambassadress?" mabilis na tugon nito sabay lingon sa akin habang patuloy na nagtatype kahit hindi nakatingin sa tatlo nyang monitors.

"Kamusta ang polls at surveys?" makahulugan kong tanong dito.

Tumango ito at nagsalita, "As you ordered, we are subtly manipulating the surveys to show inaccurate information," tumingin ito kay Maggie na tumayo sa kanyang pwesto at nag-abot sa akin ng kapirasong papel.

"Ambassadress panghuli pa din sa survey si Senator Fortalejo as you wanted it to show," report ni Maggie sa akin sabay turo sa figures sa papel showing na malaki ang lamang ng kanyang mga kalaban sa kanya, "It is actually very easy to manipulate, ginaya lang namin ang nakaraang polls and changed a few percentages to show na nahuhuli pa din si Senator Fortalejo. Lyra may live footage na ba ang drone natin sa Mendiola?"

Mabilis na tumango si Lyra, ang empleyadong nakatoka sa observations and drones ng embahada sabay kuha sa remote na natabunan ng paperworks sa kanyang desks at ginamit ito para i-turn on ang dambuhalang monitor sa dingding.

Nagpamangha sa aming lahat sa embahada ang tumambad sa screen. Isang dambuhalang karagatan ng mga tao ang nakapaligid sa isang stage na sentro ng lahat.

"IBOTO SA PAGKASENADOR! TRISTAN LACERNA! SA PAGKAPRESIDENTE WALANG IBA KUNG HINDI SI LYCAN FORTALEJO! PAG SINABI KONG PRESIDENTE ANO ANG PANGALANG ISISIGAW NINYO NGAYON AT ANG IBOBOTO NINYO SA ELEKSYON?!" malakas na tanong ng isang babae na tadtad ng election paraphernalia mula ipit sa ulo hanggang sa nail arts ng kuko sa paa.

"LYCAN FORTALEJO!"

Kahit nandito lang kami at nanonood sa harap ng screen ay kinig na kinig at ramdam na ramdam naming lahat ang dagundong ng sagot at ang pagsang-ayon ng ilang daang libong tao sa tanong ng babae na nagsimula ng kumanta ng campaign jingle na kahit sobrang sintonado ay sinasabayan ng lahat.

"My stars!" hindi makapaniwalang sambit nila Doreen at Maggie sa aming napanood.

"I will now be showing simultaneously the rallies happening at the same time at Batanes, Bicol, Palawan, Versalia, Cebu, Zamboanga and Jolo," nakangiting sabi ni Lyra sa akin, "Please, hold your amazement Ambassadress. You ain't see nothing yet," paalala nya sa akin sabay pindot ulit sa remote and what we saw literally made all our jaws dropped.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now