The Altar I

522 11 6
                                    

"Tarabelle Woods, nakikinig ka pa ba?"

Napakurap ako sa babaeng kanina pa nagbubunganga sa akin sa video-call. Honestly gets ko na ung gist ng sinasabi nya na pwede masusumarize lang sa isang sentence kung nakikinig talaga ako actually sa kanya.

Tumango na lang ako at humikab bago kinamot ang aking nangangating ulo, "Oo naman, Stacie. Please continue."

"God, you are hopeless! I bet kung hindi pa kita tinatawagan weekly eh baka wala ka nang koneksyon sa outside world!"

"Actually kung hindi mo ako pinagtyatyagaang isangat sa busy schedule mo para kausapin eh pwede ko nang sabihin na isa akong alien sa earth."

Napabuntong hininga na lang ang aking best friend at wala sa sariling inayos ang golden blonde nitong buhok at inirapan ako, "I know, right? Lumalabas ka pa ba ng kweba mo?"

"Good question. Actually iniisip ko din kung kelan ako huling nasinagan ng araw myself," I answered nonchalantly as she rolled her eyes at me, "I don't see the need to be out and about anyways. What's the point? Nabubuhay naman ako ng matino as far as I'm concerned."

"Yeah right. As far as YOU'RE concerned. Sa mga normal na tao isa ka nang cross ni Batman at isang ermitanya. Ilang araw ka na ba hindi nagsusuklay? Look at the state of your hair for goodness sake, belle! Mahabaging Diyos, how can you even look at the mirror at that sorry state, I don't know!"

Nagkibit-baikat na lang ako at nagtype ulit sa website ng aking company para ayusin ang mga order ng mga customers na nakatoka sa akin, "No need to know kasi hindi naman ako nananalamin at all. Anything else, Stacie? May work pa ako, you can drop the call now."

"Pinapalayas mo na ako?" pa drama nitong tanong as she nodded at an attendant na lumapit sa kanya at may binulong bago nagbow ng malalim at umalis, "Grabe ka. Ang sakit ha?"

"Oo, pinapalayas na kita pero for all we know, babalik ka ulit para mambulabog in the next few days," sabi ko na nagpatawa lang sa kanya, "If you can just forget about me eh mas okay."

"Fat chance, Belle. Anyways, I won't take no for an answer. Remember, what I can do. Don't make me take drastic measures to force you into submission. You of all people know that I don't settle for half-measures."

Humikab ako at nagunat, "Yeah right, natatakot na ako sobra. Bye."

"Bye Belle! Mwah!" natatawang paalam nito sa akin bago nag flying case at finally ay nawala na sa linya ko.

Napangiti na lang ako ng kaunti as I saw her message na nagpapaalala ng mga dapat kong kainin at gawin sa aking pamamahay. No exaggeration pero kung hindi dahil sa babaeng iyon ay matagal na akong nag-suicide sa kweba ko.

Sya ung isang hibla na pumipigil sa akin from giving up my damn life at gumapang sa mundong ito ng nahinga, grudgingly.

Hindi matatanggap ng pagkatao ko na malungkot si Stacie because of me. Either by my actions or by the reason I don't exist in this world anymore. I owe her that much.


So much that I am hanging on by a thread sa pesteng buhay na ito...

She's been through a lot just for my sake. In the darkest, most painful part of my life, nandun sya para samahan ako kahit alam kong may mas importante pa syang kailangang gawin kesa ang halos ilang buwang pigilan ang isang tao na magpatiwakal.

I didn't know way back when I met her for the first time more than a decade ago na sya ang magiging susi kung paano ko barely nalampasan ang pinakamalaking dagok sa buhay ko.

By accident ang una naming pagkikita and it is very bizarre if you ask me.

Nasa Resorts World Manila ako dati para sa isang school seminar when I happened to stumble upon a crying girl sa loob ng cubicle ng banyo na sira-sira ang make-up at parang basang sisiw tingnan as she wipes her tears desperately.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now