Act 3: Finale Part 1

393 14 1
                                    

"Buti naman pumayag ka nang makipagkita ulit kay Kuya, Ate Verna," masayang sabi ni Yishein sa akin habang nasa likod sya ng manubela ng kotseng sinasakyan ko ngayon.

Napatingin ako sa kapatid ni Hoshiro na nakangiti sa akin while she drives the expensive car through the busy highway of Hyiliopolis.

Pumayag akong makipagkita ulit sa kapatid nya after a year na hindi ko pag pansin sa kanya after nyang magwala sa harap ko after kong i-offer kay Volkner na isama ako pabalik sa Uyghuristan para makita ulit ang pamilya ko.

Si Ravinder.

Hindi ko akalain na magagawa ni Hoshiro sa akin ang ginawa nya sa gabi ng kasal ni Adeng.

Parang ibang tao si Hoshiro.

Sinigawan niya ako at dinuro-duro. His eyes are blood-red at parang iiyak na any moment.

Sa harap ng ilang daang sundalo at kapatid niya ay ginawa niya akong parang tanga at gagong bata na walang bait sa sarili.

Nanikip ulit ang dibdib ko ng maalala ko ulit ang pinagsasabi niya sa akin.

-0-

"How dare you Verna? I am willing to give you everything! Verna lahat-lahat! Tapos basta basta ka na lang sasama sa kanila? Ha?!" malakas na sigaw ni Hoshiro sa akin ng maabutan nya kaming magkasama ni Yishein matapos akong undirectly, mapigilan ng prinsesa ng Akimrea at batalyon ng kaharian sa pagsama kila Volkner para makita ulit si Ravinder.

Mabilis na humarang si Yishein sa pagitan namin at umiling, "Kuya please! Kumalma ka. Antindihin mo naman si Ate Verna. Gusto lang niyang------," hindi na natapos ang sinasabi ng babae sa aking harap ng laking gulat ko ng bigla na lang itong muntikang matumba ng itulak ni Hoshiro ng malakas paalis sa gitna namin.

Kung hindi ko nasambot ang kapatid niya ay tyak dagasa na ito sa malamig na aspalto.

"Wag kang mamakialam dito!" malakas na sigaw nito sa kapatid na ngayon ay nasa mga bisig ko at napapahikbi na.

Bumaling si Hoshiro sa akin at talagang parang ibang tao na sya. I never saw him like this. Maybe just a glimpse of it way back when we first met during the time Ravinder saved me from his advances.

"You cannot go there! You cannot meet him or any freaking Uyghurs, naiintindihan mo ba, ha?!" malakas na sigaw nito sa akin na sa sobrang lakas ay nahampas ako ng hangin at laway mula sa kanyang bunganga.

Nawalan na din ako ng pasensya at naginit na din ang ulo ko.

Matapos kong maalalayang tumayo si Yishein ay mabilis kong hinarap si Hoshiro.

"Teka nga ha?! Ano bang karapatan mo para pigilan ako?! Hindi kita kaano ano at higit sa lahat hindi kita asawa para kontrolin mo ang buhay ko at pigilan ang ibang tao na kausapin ako! Sa lahat ng tao na dapat makaunawa sa akin, diba dapat ikaw iyon?! Alam mo na siya ang nagpuno ng pagkukulang ng mga magulang ko sa buhay ko! Pamilya ko sya at kung gusto ko syang makita, gagawa at gagawa ako ng paraan para makita sya! You won't stop me Hoshiro from seeing the person that is technically my family!" malakas kong hiyaw pabalik sa kanya na sa halip na magpahinahon ay lalo atang nagalit ito at magwawala na lalo anytime from now.

"Ate, please, wag mo na syang," mahinang sabi sa akin ni Yishein sa likod ko pero umiling ako.

"No! Hindi ako laruan ng kuya mo na pag ayaw niyang ipahiram sa iba ay magwawala sya na parang spoiled brat for no reason at all!" malakas kong tanggi sa kanya at sa gulat ko ay biglang lumapit sa harapan ko si Hoshiro at inalog ang aking mga balikat.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now