Chapter 2

453 17 4
                                    

Pagkatapak na pagkatapak ng mga paa ko sa buhangin ay nakaramdam agad ako ng magkahalong lungkot at saya.

Humarurot paalis ang sinakyan kong jeep at naiwan akong waring nag iisa sa isa sa pinakamalapit na beach sa Maynila.

Naisipan kong sadyain ang lugar na ito a day before my flight to Hyilla. Tsaka lang ako nakasigurado na hindi talaga ako napeke ng dumating ang papeles ko sa mismong embassy ng Hyilla sa Pilipinas.

Sa halip na ipadala sa akin ay inimbitahan akong personal na kunin iyon sa tanggapan nila at nang makarating nga ako ay laking gulat ko ng isang maliit na salo-salo ang sinurpresa ng resident ambassador at ng staff nila para sa akin.

Wala pang one hour tinagal ang celebration dahil sa lunch break lang nila sinangat pero nalaman ko na talagang welcome na welcome ako sa bansang pagtatrabahuhan ko. The ambassador told me how happy Jeff, my interviewer was.

Not just because may na hire na sya at makakauwi na din siya sa wakas. Pero pati na rin dahil sa tiyak na deserving ako sa trabahong inalok sa akin.

Doon ko din nalaman ang slight background ng totoong magiging trabaho ko sa Hyilla a few days from now.

Simpleng Call Center Customer Service Representative lang naman pero sa halip na sa western countries o Australia ang target customers gaya dito sa Pilipinas ay around Pacific Ocean nations ang pagsisilbihan ko.

Not only that pero dapat pala nasa best behavior ako dahil ako daw ang "test hire" ng bansa nila for the Philippines. Depende daw sa performance ko kung bababaan ng Hyilla ang requirements sa trabaho at mag mass import hiring ng mga professionals mula sa dito ang bansa nila.

No wonder hindi basta basta work ni Jeff dito sa Pinas. He is pressured not to hire just the best but more importantly a risk taker and career driven individual na walang ibang iniisip na pamilya o mahal sa buhay.

Just like me.

A bit hard to swallow pero inassure naman ako ng staff na as long as punctual, average performer at walang magiging record ay good to go na ako. No need to excel but I am welcomed to do so albeit sa play safe work mode muna in other words until the ten months' evaluation is over.

Pagkatapos ng maliit na salo salo ay ibinigay na sa akin ang lahat ng papeles na kailangan ko at umuwi na din agad ako para mag empake.

Honestly medyo duda pa rin ako these past few days kung totoo nga ba ang offer so para hindi ako masyadong masaktan kung sakaling hindi ay minabuti kong wag munang mag ayos ng gamit at nag piso net pa ako para magpasa ng ilang resumes online just in case para hindi naman masyado akong masaktan pag napurnada.

Wala nang tiklop-tiklop o ayos ayos. After all, wala pa namang dalawang maleta ang dami ng mga gamit ko. Bibigyan naman ako ng relocation allowance at para makaiwas sa excess baggage ay minabuti kong mga importanteng bagay na lang ang ilalagay ko sa maleta at bilhin ang ibang mga gamit pag dating ko dun gamit ang allowance.

Naputol bigla ang pag iisip ko ng marinig ko ang malakas na ugong ng alon sa hindi kalayuan.

I can't help but gasp when I saw the scenery before me.

Blood red skies, orange clouds reflected by the sea as if it's a giant mirror. Nagsimula ulit akong maglakad papunta sa dalampasigan at para bang ang paningin ko ay dinala ng hangin ng karagatan papunta sa nakaraan.

Kada isang hakbang ko ay isang parte ng kahapon ang nabalik sa aking mga alaala.

Parang isang canvass ng pintor ang nakikita ko ngayon, ngunit sa bawat sandali na papalapit ako sa dagat ay isang kumpas ng alaala na waring brush na gumuguhit ng mga bagay na ayon sa aking alaala ay dapat nandoon sa harap ko.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now