Rain Ends

341 12 0
                                    

Iba na talaga pag mayaman ka, pa cruise ship-cruise ship na lang. Nakangiting naglalakad si Mystina sa deck ng Royal Pacific Allure of the Sea, no less. Binabagtas nito ang malawak na dagat na asul ang kulay. Inayos nya ang kanyang buhok na napapalad ng hangin at ngumiti ng malapad.

Ito talaga ang buhay. Kagagaling lang nya sa restaurant at kakakain lang nya. Napakaganda ng pool at ang daming mga nagsusun-bathing na foreigners na mga naka bikini at swimming trunks lang. Mga batang nag-lalaro sa children's pool at mga waiters na nag-seserve ng pagkain.

Sumipsip sya sa isang baso ng lemonade na dala-dala nya habang inuuli ang palibot ng pool side.

"HOY GAGA! Bakit mo ininuman yung juice na yan?! Malilintikan tayo nyan!" sigaw sa akin ng isang babae na gaya ng suot nya ay naka above the knee black skirt, black stockings and shoes. Naka polo shirt ito habang naka French bun naman ang buhok at naka salamin.

Hindi pinansin ni Mystina ang babae. Bagkos nagpatuloy sya sa pag-hahanap sa umorder ng coke este, soda pala. Nakita nya naman agad si cute guy na nag-susunbathing sa gilid ng main pool.

"Sir, sorry for the delay, here's your soda" magalang nyang sabi sabay patong ng inumin sa table na katabi ng hinihigaan nito.

Ngumiti ng matamis si cute guy na nag-tangal ng shades na nagpakitang may green eyes ito. Ay hawt talaga!

"Here" magiliw nitong sagot sa kanya sabay patong ng ten dollars sa aking tray.

Abot teynga ang ngiti ni Mystina ng isilid sa bulsa nito ang pera sa kanyang bulsa.

"Score na naman! Isang arawang sweldo na to halos! Sa taas ng piso ngayon mahigit five hundred pesoses na ito sa Pinas!" masaya nyang isip habang nag-lalakad sya pabalik sa restaurant.

Ibang klase talaga ang ganda nitong cruise ship na ito! Hanep, paano nga ba sya nakatapak sa barkong ito?!

Biglang may tumapik sa kanyang babae na naka-apron at hairnet. Maganda ito at naka full make-up. Medyo may kaliitan sa kanya pero sobrang cute naman at petite tingnan.

"Mystina magkano na ang tip mo?"

Mabilis na inilabas naman nya ang ilang kumpol ng dolyares at inabot kay Sierra Mae Paz, "Ayan! Almost two hundred dollars yan more or less! Ikaw?"

"Ay, mahina ang delihensya ko ngayong araw! One hundred lang halos! Si Stellar kaya?"

Bago pa makasagot si Mystina ay tumabi sa kanya ang babaeng nakasalubong nya kanina, "Hoy babae! Bakit mo nga ininuman yung lemonade na yun?!"

"Bigay sa akin yun nung customer na babae! Mukha daw naiinitan ako! Libre daw nya!" pagtatangol nya sa sarili, "BTW, magkano na nakukulimbat mo ate?"

Nag-labas ng mga tatlong dadaaning dolyares ang ate Stellar nya at inabot ito kay Sierra, "Buti napatahan ko yung batang nagwawala malapit dun sa kitchen. Natuwa yung nanay kaya ayan, inabutan ako."

Nang makababa na sila sa escalator ng Royal Promenade ay nag-hiwahiwalay na silang tatlo. Si Sierra sa cabin nila dumeretso para itabi ang nakulimbat nila, ang ate Stellar naman nya ay sa kitchen samantalang sya ay sa mismong restaurant ng Allure of the Seas nagtungo.

May ilang grupo ng mga kalalakihan na halos kasing edad nya ang nagsilabasan. Tumayo sya sa gilid nila at tumungo, "Please, enjoy your stay at the Allure of the Seas!" masaya nyang sabi sa mga ito.

Nagsitanguan ang mga ito at nilagpasan na sya. Pagkapasok na pagkapasok nya sa entrance ay hinarang agad sya ng kanyang supervisor na Scandinavian.

"Ms. Maranan can you please do the cabin to cabin ordering service again?"

Tiningnan nya ito at tumango, "Of course sir!"

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon