Chapter 2

483 30 27
                                    


Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang munting puntod sa countryside region ng Hyillia kasama si Elesa na ngayon ay nahagulhol ng iyak.

I looked at her and she is completely devastated.

The reason kung bakit hindi ako naihatid noon ni Elesa sa airport at ang reason kung bakit hindi ko siya makontak noong nasa Riksent ako...

Ang pinakamamahal niyang alagang pusa, si Mochabits na technically ay owner ng alahas na ipinahiram sa akin ni Elesa ay pumanaw na.

Twenty years niyang nakasama ang pusa na kung iisipin mo compared sa age natin ay more or less ay centenarian si Mochabits.

Bigay pa sa kanya ng namayapa niyang lola si Mochabits noong toddler pa lang siya at kasama na niya ito since then.

Last night lang tuluyang namaalam sa mundo ang pusa matapos ang matagal na pagkacomatause nito.

"Ang sakit, Verna. Siya ang kasama ko lagi pero ngayon wala na si Mochbits," hagulhol nito at lumuhod na sa tapat ng puntod at nanginginig na hinawakan nito ang malamig na lapida, "Akala ng iba nagdadrama lang ako dahil pusa lang daw over reacting na ako. Hindi nila ako maintindihan," sumbong nito more on her friend cat than me.

Lumuhod na din ako sa tabi niya at tinitigan ang resepsyonista sa kanyang mga mata, "Elesa, hindi ako magsisinungaling sa iyo. Hindi rin kita maintindihan," pagtatapat ko sa kanya na nagpalaki ng kanyang mga mata sa gulat at lungkot.

Binaling ko ang aking mga mata sa lapida ng malambing na pusa na sa maiksi naming pagkakakilala ay walang oras na hindi natutulog si Mochabits sa aking mga hita, "Hindi ko maintindihan o masabing nararamdaman ko ang nararamdaman mo. O alam ko ang pinagdadaanan mo," mahina kong sabi sa tahimik kong katabi, "Kasi, Elesa. Nawalan na ako ng mahal sa buhay bago ko pa malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kawalan. Hindi ko masasabing naiimagine ko ang nararamdaman mo kasi nawalan na ako bago ko pa maranasan ang pakiramdam ng iwanan. Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo kasi napagdaanan ko na ang nangyari sa iyo bago pa ako magkamuwang. Gusto kong sabihin na alam ko, na dama ko na naiintindihan kita, pero hindi ko magawang magsinungaling sa iyo. I can't stomach to give you empty words when I myself don't even have the slightest idea what you are going through now," naiiyak kong sabi kay Elesa out of desperation and emptiness.

"Verna," mahinang sabi sa akin ni Elesa bago pilit syang ngumiti sa akin, "Thank you," buong puso niyang sabi sa akin sabay bigla niya akong niyakap.

"Thank you for being honest and being here. Salamat at hindi ka kagaya ng iba na kung makapagsabi ng condolence o makapanghusga akala mo alam nila ang sense ng sinasabi nila. Buti ka pa, totoo ka at hindi ka nagpanggap na kunwari nakikiramay ka o alam mo kung ano nadarama ko. Thank you for being honest," pasalamat niya sa akin as he looked straight to my eyes with her shining one.

Tumango naman ako at matagal kaming tahimik na nakaupo sa tabi ng puntod ni Mochabits bago umalis ng malapit nang mag dapit-hapon.

We rode the maglev train at inihatid ko siya sa kanyang condo unit na identical nang sa akin, except mas homey at mas "shiney" ito.

Naibigay ko na sa kanya ang ilang quality but cheap na alahas na nahoard ko mula sa pearl jewelry stores sa Riksent pati na ang mga chocolates na pasalubong ko sa kanya.

I was about to walk out of her door when I suddenly remembered the one last thing I almost forgot to give her.

Kinuha ko ang munting kahon at iniabot ko sa kanya, "Makakalimutan ko pa Elesa. Eto yung pinahiram mo sa akin. Ang daming pinagdaanan niyan. Alam mo yan," sabi ko sabay kindat ng makahulugan dahil siya lang ang pinagsabihan ko ng tunay na pangyayari sa Riksent kung bakit ako hanggang ngayon ay nainom ng pain killers.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon