Interlude

489 26 22
                                    


"Kuya, ano gusto mo breakfast?" magiliw na tanong sa akin ng kapatid ko sa akin pagkababa ko ng second floor ng bahay namin sa Calmar, Lucena, "Actually madaming pagpipilian! May Spanish bread at may bread na Spanish! Ano gusto mo?" seryoso niyang tanong sabay turo sa isang nakakalungkot na balot ng tinapay sa lamesa na mukhang may isang linggo na mula ng inanak ng panederya.

I looked around our house at parang walang nag iba.

Sa totoo lang, hindi naging madali sa amin ng kapatid ko ang buhay matapos ang gyera.

Naghirap ang mga magulang namin at napilitan kaming ibenta ang bahay na puno ng alaala.

Sa kagustuhan na din namin ng kapatid ko ay itinago namin ang aming sitwasyon sa aming mga malalapit na kaibigan na kayang kaya kaming pagpatayuan ng isang mayamaning village para sa aming dalawa lang (hindi exaggeration) dahil siguro, gusto na ding matuto naming tumayo finally sa sarili naming mga paa after all the years na naging sandalan na naming silang lahat.

Lumipat kami sa isang maliit pero payak na barangay at nagpatayo ng bahay na bungalow.

Hindi rin naging mabuti ang nakaraang gyera sa aming mga magulang. Dumaan sa sakit ang ama at naghirap din ang aming mga ina sa buhay.

Umuwi kaming dalawa galing sa frontlines ng gyera sa Versalia para lang madatnan ang kalunos lunos na lagay ng aming mga pamilya.

Halos malagas ang mga angkan at ilan sa aming mga minamahal na malalapit na kaanak ang kinuha sa amin ng mga terorista.

Sobrang guilt at pangungulila ang naramdaman namin.

Nagawa nga naming makatulong para mailigtas ang bansa pero wala kaming nagawa para iligtas ang sarili naming pamilya.

Ang hirap.

Sobrang hirap.

Hindi naman kami mayaman ng kapatid ko.

Kaya lang kami nakapasok sa Versalia ay dahil na din sa tulong ng mabuti naming tito na kapatid ng tatay namin na isang kilalang pulitiko noong nabubuhay pa ito.

Pero simple lang talaga at malayo sa karangyaan ang buhay naming dalawa bago kami pagmabutihan ng tiyuhin namin at pag aralin doon.

Pero syempre, nasanay kami na napapaligiran ng pera at mamahaling bagay. Lalo't higit at malaki ang sinasahod ng kapatid ko sa naging sideline niya bilang Media Idol ng Versalia kaya nakaya naming makipagsabayan hindi lang sa buong university kundi lalo't higit sa mga kafaction namin sa Zymeth na pangalwa sa pinakamayaman at una sa kayabangan (totoo).

Kaya ng umuwi kami at sinubukan naming mag simula sa simula pagkatapos ng buhay sa isla ay talagang literal na gumapang kaming magkapatid.

Ang ekonomiya ng Pilipinas, kung wasak na bago magkagyera ay lalo nang walang pag asa matapos masalanta ng terorista.

Sira ang mga taniman, imprastraktura, negosyo at kalsada.

Dumating sa punto na nasabi ng kapatid ko na mas madali na syang makakapasok sa langit kesa makahanap ng trabaho.

At that point, alam kong hindi siya nagbibiro.

Kung ano anong trabaho ang pinasok naming dalawa.

Kailangan dahil nabuntis ng asawa niyang si Mystogan ang kapatid ko a few days before the war reached its decisive point.

And he also died heroically saving countless of refugees, students and patients aboard the sinking Rayse Hospital Ship that was hit by an enemy attack.

May anak siyang kailangan padedehin at may pamangkin at kapatid akong kailangan suportahan.

Sim Seller, Cashier, Service Crew, Crew sa Tronix, Waiter, Salesman hanggang sa pinalad kaming makapag call center ng medyo naging stable na ang Pinas sa mata ng mga Kano.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now