Chapter 6

395 20 9
                                    

"MY STARS! VERNA! NANDITO KA PARA KAUSAPIN ANG CUSTOMER HINDI PARA MAG YOGA!" malakas na sigaw sa akin ni Winter sabay hampas sa desk nya.

Napapikit naman ako at napailing sa aking sarili.

Validation na today at last day na ng training.

Validation meaning titingnan kung pasado o hindi ako sa training. Pag hindi, uwi ako na may dalang kahihiyan hindi lang sa aking sarili kundi lalo't higit sa Pilipinas.

Nag mock call kami ni Winter at sa pangalwang beses ay wala halos ako naimik kundi "Ahmmm, ahhhmm", sa kanya.

Na bablangko at at nanginging ang puso ko pag nagsisimula na ang practice call namin ng trainer ko. Nanginginig pati kamay ko at sa halip na mouse ay nagiging frog na ang mouse ko sa pagmamadaling i-click ang tools o ang program na ginagamit ko para iassist ang customer ko.

Sa written exam ay napasa naman ako. Pero pag sa oral na ay para bang minumulto ako ng nakaraan ko.

Nabalik ng kusa ang pagiging tahimik at introvert ko unconsciously. Wala halos pinagkaiba sa halos sarado kong bibig noon sa Versalia.

Bakit ngayon pa?

Naramdaman ko na namamasa na ang mga mata ko ng makinig ko ulit magsalita si Winter.

"Eto ba, Verna? Eto ba ang ipapakita mo sa production area mamaya? Sasabak ka na sa actual work after lunch break incase nakakalimutan mo! Papakinggan ng supervisor, manager at branch vice presidents ang calls mo later at kung ganyang ganyang ang ipapakita mo ay mabuti pang wag ka na lang magpakita sa production area mamaya! Tandaan mo hindi lang ikaw at ang bansa mo ang mapwepwerwisyo ng pinag gagagawa mo, kundi pati na rin ang career ko!" maanghang nitong sigaw sa akin sabay hampas sa keyboard niya, "This session is over. Get out and take your lunch break. And if what you did here is the same as what you will do at the production area later, mabuti pa dumeretso ka na lang sa h.r kay Sir Jeff after break mo at sabihin mo uuwi ka na rather magkalat ka pa sa lahat ng nandoon pati na din sa mga kawawang customers na masasagot mo! Go! Get out!", taboy nito sa akin sabay turo sa pintuan.

Hindi ko na nagawang lingunin si Winter at kinuha ko na ang notebook at ballpen ko at tumalikod na ako sa kanya sabay takbo papunta sa pintuan ng training room.

Nakatungong tumakbo ako sa comfort room at pumasok ako sa pinaka malapit na cubicle at nagkulong.

Tahimik akong umiyak ng umiyak habang nakaupo sa nakataklob na bowl.

Ang layo ng narating ko pero hanggang dito na lang ba ako?

Pinilit ko naman aralin ang mga itinuro these past two weeks pero ang dami talaga at halos maghalo-halo na sa utak ko ang mga bagay na nilesson.

Two weeks' lessons. Then two weeks' practical application.

Napepressure na ako sobra.

Ayoko nang mapahiya pa o magkalat pa as Winter said earlier. Kakain lang ako ng lunch sa pantry at dederetso na ako kay Jeff as instructed.

Better cut my losses while I'm not too deep in it.

Huminga ako ng malalim at lumabas na ako sa cubicle at dumeretso sa faucet para basain ang mukha ko para hindi masyadong halata na umiyak ako. Pinunasan ko ng hawak kong bimpo ang aking mukha sabay labas at deretso na sa pantry kung saan may lampas isang dosenang mga ahente na nakapila sa harap ng nagtitinda para kumain.

Malawak ang lugar. Malinis at well maintained. May dalawang t.v sa magkabilang sulok kaya kahit saan ka dereksyon umupo ay makikita mo ang pinapalabas dito.

Kadalasan ay Discovery o National Geographic lang ang palabas. Pero may mga times like this na isang channel sa Pilipinas ang showing.

Umorder ako ng one rice at isang steamed tofu sabay punta sa pinakasulok na lamesa at umupo na ako para simulan ang pagkain.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now