Act 1 Finale

585 29 14
                                    

"Verna!"

Napakurap ako at parang biglang lumitaw ulit si Ravinder sa aking paningin. Kaharap ko ito at parang kanina pa ata kinukuha atensyon ko base sa nakasimangot nitong mukha.

"Oh, ano nga ba sinasabi mo?" tanong ko sa kanya at inayos ko ang aking pagkakaupo.

Nasa labas kami ng Versalia Stadium kung saan kagagaling naming sa practice ng Graduation Ceremony.

Wala nang isang buwan gagdraduate na kami.

May mga tulad nila Mystina at Stellar na excited na. Ang iba tulad ko namromroblema kung anong course kukunin at kung tutuloy pa ba ako sa pag aaral sa V.U o susubok ng bagong mundo sa labas ng isla na ni minsan in my whole life as I remember it ay hindi pa ako nakakalabas.

Dagdag ko pa problema ko kay...

Tumikhim si Ravinder at sumimangot sa akin, "Sabi ko kung ano course kukunin mo?"

"Literature siguro o Education," sagot ko, "Maalin. Hindi pa ako sure. Ikaw?"

Nagkibit balikat si Ravinder at tumingin sa malayo, "Depende. Baka Pol Sci o Economics. Kung ano din gusto ng parents ko."

Napangiti ako at tinapik ang kanyang balikat, "Yung iba nag rereklamo na namamakialam yung mga magulang nila sa pamimili ng mga kurso nila. Pasalamat nga sila may mga magulang silang pakialamero at pakialamera. Ako wala," malungkot kong sabi sa kaibigan ko na halos naging pamilya na ang turing ko sa nagdaang mga taon.

Napangiwi si Ravinder sa sinabi ko bago sinabing, "Aray natamaan ako!"

Tumawa naman ako at tumayo sa aking kinauupuan. Nakalimutan ko na nakapatong pala sa hita ko ang binabasa kong libro.

Bago pa ako makagtungo para damputin ito ay nakuha na agad ni Ravinder ang libro at tinitigan ang cover.

"Cinderella," basa nito sabay iling at initsa sa akin pabalik na muntik ko nang di masambot, "After all the things that happened, after all these time, naniniwala ka pa rin sa story na yan?"

Tinitigan ko naman ang cover ng librong mula pagkabata ay naging sandigan na ng mga pangarap ko sa buhay at nakaramdam ng kurot sa aking puso.

Tinitigan ko si Ravinder na seryosong naghihintay ng sagot ko at kung sa anong dahilan ay napatawa na lang ako ng malakas.

"Verna," mahinang sambit ni Ravinder.

Still chuckling hinarap ko siya at tumango ako, "Oo Ravinder. Sa daming kagaguhang nangyari at sa tagal na ng buhay ko naniniwala pa rin ako. Naniniwala pa rin ako na kung magtitiwala ako sa puso ko. Na kung pagbubutihan ko ay sasaya ako sa buhay ko, na matatagpuan ko ang happily ever after ko," nakangiting sabi ko sa kanya pero I know na malapit na akong bagsakan ng luha.

Akmang may sasabihan pa si Ravinder pero tumalikod na ako sa kanya at nag paalam agad bago tumakbo palayo.

Hindi ko kayang marinig ang masasabi niya sa paniniwala ko na kahit ako ay natatangahan na. Tama nga ba na sa isang pambatang istorya ko binase ang kinabukasan ng buhay ko at ang mga ginawa ko?

Na ilang dosenang tao na ang nagsasabi na nasa harap ko na ang prinsipeng pinapangarap ko, ang pamilyang hinahangad ko pero hindi ko pa rin maatim na isipin na silang dalawa na nga ang sagot sa lahat ng kulang ko sa buhay?

Hindi nga ba't bumabalik sa akin ang sinabi ko kay Travis?

Na ako pala ay tulad din niya.

Isang taong hindi marunong magbilang ng biyaya sa kanyang buhay at tanging kung ano ang wala ay siyang lagi kong inaalala.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now