Chapter 11

311 16 6
                                    


"Maybe one day I'll reveal it," natatawang sagot ng boses ng lalaki.

Sabay kaming napalingon ni Tita Polli sa aming kanan at nakita namin si Tito Brycen kasama si Kowru at ang pinagmulan ng boses.

None other than the father of Stellar and Duncle of Mystina himself.

"Pero honestly speaking, it is a sad tale of a quiet and bullied girl that will have to wait pag wala nang tama ang kapatid ko," naiiling na sabi nito sa amin as we watched his sister na inagaw na mismo ang hose na pangsalin at sya na mismo ang trumatrabaho para siguro makasigurado na makakasobra sya, "Pero let me give you a hint. Half the times na nakikita kong kumilos si Stellar, nakikita ko sa kanya si Alyssa noong bago pa lang kami sa Versalia decades ago," he said nostalgically as he enthusiastically accepted my hand and shook it.

"Tito Steven, kamusta na po sila Stellar at Mystina pati na rin si Sierra?" tanong ko dito.

"Ayun kinabukasan pagkauwi mo, tumulak na ang tatlo kasama ang apo namin at si Drei papunta sa Riksent. Ipinakilala na ata ng formal si Stellar sa aristocratic ruling family," masayang sagot nito sa akin.

"Congrats ulit Steven. I've heard the story from Lina. Naikwento ni Mystina sa kinakapatid nya and all I can say is that she truly deserves it," bati ni Tita Polli dito.

"Oo nga pare! Kainggit ka nga! Yung mga panganay ko walang delihensya!" malakas na reklamo ni Tito Brycen pero tumahimik agad ito ng mapansin ang masamang tingin ng kanyang asawa, "Imbitahin mo kami ha?"

Tumango naman si Tito Steven at kumaway na sa kapatid na ayaw magpapigil sa mga empleyado na nagsasabi sa kanya na malapit nang lumampas sa safety limit ang pagkakarga ng krudo.

The books are correct. Isang saglit lang na nagtama ang paningin ng dalawa ay mabilis na tumigil si Alyssa sa kanyang ginagawa at nagsimula nang maglakad papunta sa direksyon namin.

Nobody short of Steven can fully stop the Former Deputy Representative Councilor of Zymeth in her tracks but her beloved brother.

Sherri comes close and Hazel in third place when she is trying.

Si Hazel ang sinasabi nilang glue na nagdidikit sa tatlong soul-sisters. It is not a stretch to say na kung wala sya sa pagitan ng dalawa ay matagal na daw nagpatayan sila Sherri at Alyssa sa inis at pikunan.

Between Sherri's domineering attitude and Alyssa's crazy schemes, si Hazel ang voice of reason sa dalawa. As expected, naging lalong mas malapit ang tatlo matapos ang gyera hanggang ngayong may mga anak na sila.

"So Verna, kwento nitong kumpare ko at nitong binatilyo mo eh nangangailangan ka daw ng tulong?" nakangiting tanong si akin ni Steven.

Pero bago pa ako makasagot ay nakalapit na sa amin si Alyssa at sinugod ako ng yakap, "Verna! Buti nakita kita ulit! Sabi ni Stellar primary sponsor ka daw sa kasal nila Drei!" masayang announce nito sa akin sabay tingin kay Kowru, "Best Man ka daw utoy."

"Talaga ho?" gulat na tanong ni Kowru na hindi mapigilang mapangiti.

"Oo. Details to follow pero ihanda nyo daw regalo nyo," bilin ni Alyssa sabay tingin sa akin, "Lalo na daw ikaw. Sabi ni Mystina tiba-tiba daw kinikita mo kaya kunin ka daw Ninang sa kasal!"

Napatawa naman ako ng malakas. Typical Mystina. Walang pinagbago.

Tumingin ako kay Kowru na tumango sa akin bago nginitan ang magkapatid, "I swear we will be there. After all, I have to see for myself the happy ending I witnessed in the making."

Natuwa naman sila sa sagot ko.

"Alyssa. Gusto kong iendorse mo si Tristan at si Lycan Fortalejo para sa darating na halalan," seryosong utos ni Tito Steven sa kapatid na nagpawala ng ngiti sa mga labi nito.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon