Cantor Adnuntiator (I)

328 14 3
                                    

"Hoy Kuya wag kang puro tunganga at naghihintay ng biyaya! Tulungan mo si nanay magluto! Ate wag puro selfie at pabebe, samahan si tatay na bumili ng kulang na rekado para sa handaan! Bunso, chillax ka lang dyan ha? Wag parang turumpo na nagpapaikot-ikot sa kusina at dutdut dito dutdut doon! Hala ka, baka hindi ka matrack ng GPS ni Santa Clause dahil hindi ka mapakali sa isalng lugar!" pananakot ko habang inaayos ang Christmas ribbon sa aking harapan bago inilapit ulit sa mic ang aking bibig, "Lolo at Lola ihanda na ang mga aguinaldo at kung ano anong parapasko para sa mga kaanak at mga apo! Sa mga ninong at ninang dyan, iwasan ang social media, i-off ang location app sa phone at magdasal na sana ay hindi gumana ang sixth sense ng mga chikitings at matagpuan kayo sa kung saang sulok ng mundo kayo nagtatago ngayon! Tandaan, walang makakahanap sa inyo kung patay ang Facebook sa araw ng pasko!"

Plinay ko ang kwelang recorded na tawanan na may Christmas bells effects at pinagpatuloy ang aking paglilitanya sa ere.

"Sa mga inang kusinera dyan na hagas na hagas na sa kusina at high na high na ang feeling kakasinghot ng usok ng mga putahe eh aba, pahinga din pag may time! Kung nasa bahay si hubby eh siguraduhing bagong ligo before 12 midnight at naisprayan na ng todo-todong pabango ang katawan para mawash away ang amoy ng handa ng pasko na niluto mo maghapon. Kung nasa ibayong dagat naman si asawa eh ihanda ang very-very special intermission number ng live show after mabundat ng mga palamunin mo sa bahay at mga nagsitulog na! Extra service dapat para kay hubby na nagpapakapagod at very-very­ lonely para magkaroon ng buffet sa lamesa mo inang tonight! Give back the love ika nga and serve it hot para pak na pak!"

Nang matapos ko nang ayusin ang kanina ko pang pinapagandang ribbon ay isinabit ko na ito sa kisame ng aking radio booth at tinitigan ito.

"After the gruesome elections at ilang dosenang bagyo na dumaan this year ay heto na naman tayo sa dulo ng taon kung saan naghihintay ang kahit papaano eh masayang pahanon para sa ating lahat. Kilala nyo ako, ang dami ko na ding pinagdaanan through the years at kung ano-anong bagyo na in a literal and non-literal way ang sinuong ko pero sa tuwing sasapit ang pasko eh nakukuha ko pa ding maging thankful dahil, hello? Umabot pa ako ng pasko after all the hardships na tinitiis ko taon-taon eh nasisilayan ko pa din ang 25th ng December," I said nostalgically na I know is very out of character for "Kyria" pero pasko naman kaya ok lang, "Alam kong may mga listeners na tulad kong all by myself ang drama tuwing holiday season. Minsan napapatanong tayo sa sarili natin kung ilang beses pa tayong mag-iisa and I DO know na hindi talaga maiiwasan na mainggit o malungkot pero let's just think of it this way, Christmas is not just for families, for kids, for couples or businesses. Anu mang pinagdaanan natin na may kabigatan wala naman tayo sinukuan diba? Eto nga isa na namang pasko ang haharapin natin. Single but alive. Alone but strong and I think that is one of the reason why we should still celebrate it even if mag Nonoche Buena tayo na kumakain, tulog o nagmumuni-muni."

Pinahid ko ang luhang kusang pumatak mula sa aking mga mata, "Maraming araw tayong hinahanap at parang lumipas na lang at nawala na this year. Kahit this day man lang ng pasko, let us reflect on what we have done so far and congratulate ourselves na nakagapang na naman tayo, barely alive for 12 months to celebrate another Christmas. I believe Christmas is about appreciation at hindi lang ibang tao ang pinapasalamatan natin kundi pati na din dapat ang ating sarili. For all the lonely and alone folks out there either by chance or choice, let us all give ourselves a pat on the back. Isa na namang pasko ang nagkaroon tayo ng pagkakataon na harapin, tiisin at higit sa lahat, masilayan. We are lucky just to be alive para maging bitter diba?"

Ishinoot ko sa aking shoulder bag ang aking cellphone, wallet at kung ano-anong mga Christmas decorations na ngayon ko lang ginawa out of boredom habang nagsasalita on air, "Well, hindi ko na papahabain pa ang aking annual sermon for this year's Christmas Eve Special Airing ng Kyria-Ang. Ilang oras na lang pasko na and I want you all to enjoy and contemplate all the things that happened and find out for yourself what and whom you should be thankful for this year. Eto muli ang kaisa-isang Bittera Dukesa ng radio airwaves ng Pilipinas na nag-iiwan ng gasgas pero useful na kasabihan, "It's Christmas Day, don't be a Grinch!" So long folks! Will be back on December 31 for our Annual Media Noche Galore! DJ Kyria signing-off. Kyria-Ang and K.O.R 101 For Life wishing you a fruitful and putok batok Christmas!"

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now