Chapter 5

386 15 4
                                    

"Malapit na tayo sa bahay! Gising!"

Tiningnan ni Mystina ang labas ng bintana at nakitang malapit na sila sa Barangka Drive. Napalingon sya kay Sierra at sinapo nya ang mga pisngi nito.

"Ay, blush-on pala, akala ko nasampal ka..." inosente nyang puna dito.

Naningkit ang mga mata ng petite nyang best friend at bigla sya nitong sinakal.

Pinagtitinginan sila ng ibang pasahero pero wala silang pakialam. Ang ate Stellar naman nya ay mukhang nakangiti pa sa sarili at pakanta-kanta pa.

Nakapasa ang dalawang ito sa licensure test ng mga doctors. Ang dalawang babaeng katabi nya ngayon ay mga certified Doktora na. Si Sierra ay isang Physician at si Stellar ay isa nang Psychiatrist.

Syempre hindi din papahuli ang lola mo. Si Mystina ay isa nang certified Sous Chef at specialization nya ay pastries. Nakuha na din nila ang mga National Certificates nila. May N.C si Sierra sa Housekeeping samantalang silang dalawa naman ng ate Stellar nya ay N.C sa Commercial cooking.

After four years of hard work and labor sa mental at sa pag-aaral ay natapos na din nila ang kanilang educational careers. You can say that the three of them are in the peak of their professions.

Pero syempre mga baliw sila kaya masakit man sa kanilang loob ay nagpaalam na sila sa mental hospital. Sa loob ng apat na taon ay madami ding nangyari sa bahay ni Sisa. Na-heartbroken ang ate nya samantalang minulto naman ng nakaraan ang best friend nya. Medyo boring nga lang kasi parang hindi sa mental hospital ang appointment ng kanyang prince charming kaya hindi sya nakaranas umibig doon.

Pero deep inside her pure, innocent and virgin heart, alam ni Mystina na ang tanging sinisigaw ng kanyang puso ay iisang word lamang...

"Ay *(insert the preferred name of the male sex organ of choice here)*!" malakas nyang sigaw ng biglang prumeno ang bus.

Nagpara na pala si Stellar dahil nndito na sila.

"Yang bibig mo Mystina ha?! Pakihugasan! Ang dumi!" galit na sita sa kanya ng ate Stellar nya ng sabay sabay na silang maupo sa sofa ng kanilang maliit na apartment.

Tumayo si Sierra sa harap nilang magkapatid, "To tell you the truth girls. Niyayakag ako ng mga kapatid ko, hipag at mga pamangkin na mag-migrate na sa New York ngayong tapos na ako sa pag-aaral. Join kayo?" tanong nito sa kanila.

Nagkatinginan silang magkapatid. Alam ni Stellar na gustong-gusto ni Mystina na makapagtrabaho sa cruise ship. Kahit din naman si Stellar ay gusto din. Matagal na nilang pangarap iyon, hindi pa man sila nagraduate ng college.

"Libre ang asikaso lahat ng papers. Madali tayong makakakuha ng visa dahil firstly, may pamilya na ako doon. Ako ang guarantor nyo. Second, mayaman kayo. May maipapakita kayong show money. Madali lang makahanap ng work doon. Mag-wowork tayo sa kompanya ng pamilya ko," paninigurado nito sa kanila.

"Ako ha... for me lang... my own opinion ok? Ayaw ko sa New York. Choosy na ako fine. Pero gusto ko talagang mag-work sa cruise ship. Bukod sa malaki na ang sweldo, naikot ka pa sa mundo. Pangarap ko yon nung first year college pa lang ako," sabi ni Mystina kay Sierra na nakakunot ang noo, "Kukuha lang ako ng experience dito at mag-iipon ng perang pang placement fee."

"Cruise ship din ang gusto ko. Kahit dishwasher lang masaya na ako. Bagong experience din kasi at makakasakay ka pa sa magandang barko," tugon ng ate nya kay Sierra.

Tinaas naman nito ang dalawang kamay, "Fine. Suko na ako. Medyo o.k din yang pangarap nyo ha. Medyo madaling abutin. Join ako!" masaya nitong sabi.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now