Drizzle of Birth

380 15 9
                                    


"O bakit parang mga namatayan kayo?" takang tanong sa kanilang tatlong magkakasama ni Tabitha.

"It's February Fourteen! Sinong magiging masaya ngayon?!" malungkot na sabi ni Sierra sabay inis na tiningala ang nakasabit na mga cupids sa kisame ng Café.

Namaywang ang Ate Stellar nya, "Sino pa e di yung mga merong date at merong syota! Hay makabalik na nga sa kusina. Mystina?" tawag nito sa kanya, pag-lingon nya ay parang may nareceive syang telephatic message mula dito, "You know what to do,"

Sumaludo sya dito, "Yes ate!" sabi nya sabay pumunta sya sa entrance ng Café at lumabas, tumingin sya sa kalangitan na may mangilan-ngilang ulap at mataas ang sikat ang araw.

It's time to test her abilities. Kailangang maging miserable din ang buhay ng mga may ka date. Damay-damay na 'to!

Tumingala ulit sya at itinaas ang dalawang kamay tsaka sumigaw na parang baliw. Wala syang pakialam kung pagtawanan sya ng mga nadaan.

"MAGDILIM NAWA ANG KALANGITAN! BUMUHOS ANG MALAKAS NA ULAN AT UMIHIP NG MALAKAS ANG HANGIN!" sigaw nya habang nakatingala.

Walang nangyari at pinagtitinginan at tawanan siya ng mga taong nakakakinig sa kanyang pinagsasasabi.

Itinaas pa nya lalo ang kanyang mga kamay at sumigaw ng mas malakas habang nakatarak ang mga mata, "KIDLAT, BUMAGSAK KA!"

Pagkasabi niyang iyon ay biglang may isang mahabang puti na gumuhit sa kalangitan at sumunod ang isang napakalakas na kulog. Napatili si Mystina at tumakbo sya sa loob ng Café papunta sa counter kung saan nakataklob sa tainga nila Sierra at Tabitha ang mga kamay nito.

"Mangkukulam ka ba Mystina?!" gulat na tanong sa kanya ni Tabitha.

Umiling sya, "Hindi, pero sabi ni Duncle ang pangalan ko daw ay may sa impakta daw na kapangyarihan ang mommy ko."

"Diyos ko! Tingnan nyo! May bagyo ba?!" gulat na sigaw ni Sierra sabay turo sa labas ng shop.

Napatingin naman si Mystina at bumagsak ang kanyang panga. Sobrang dilim ng kalangitan at naulan ng sobrang lakas. Nagliliparan ang mga basura sa daan at ang lalaki ng patak ng ulan.

"Effective!" manghang sabi ni Tabitha sa kanya sabay kagat sa hawak niyang green apple.

"Mytsina, table four. Hinihintay ka na ni Renz," biglang sabi sa kanya ni Sierra.

Napalingon naman siya dito at napangiti. Nakatawa ito sa kanya at nakaway. Hindi nya alam kung bakit pero ang gaan ng loob nya dito. Ilang buwan na din itong nanliligaw sa kanya. It was almost time for her, Sierra and Stellar to leave the café. One month na lang ang bubunuin nila at makakasakay na sila ng cruise ship.

Pero heto si Renz, nagpipilit paring manligaw kahit alam na papaalis sya ng bansa.

I decided to just let him. Sabi niya, para naman daw ma experience man lang niya kahit minsan paano manligaw.

"Good Morning Sir Renz! Welcome to Café Restoderia! Ano po ang order nila?" nakangiting tanong nya dito.

Umiling ito at itinuro ang upuan sa harap nya. Lumingon naman siya kila Sierra at Tabitha. Tumango naman ang mga ito.

"Sir Renz bakit po? Alam nyo po diba na bawal manligaw pag working hours?" paalala nya dito.

"Pwede wag kang manganopo sa akin Mystina? At wag Sir Renz ang itawag mo sa akin. Parang ang tanda-tanda ko na. Renz na lang, for the last time ok?"

Napamaang sya dito, "Last time?"

"I'm sorry I didn't say this before. Pero I will be leaving for Akimrea permanently tonight," malungkot nitong sabi.

The Sixth GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora