Chapter 10

469 24 26
                                    

Alas kwatro pasado na. Ilang oras na lang at Senior Ball na.

Nakaupo ako sa damuhan sa likuran ng tinitrhan kong dorm at nagabasa ng libro para kahit papano makatakas ako sa malungkot kong realidad.

Nawala ang atensyon ko sa aking binabasa ng ilang dosenang fighter jets na iba't iba ang kulay ang nagsiliparan sa himpapawid papunta sa direction ng Fenrir School Building.

Bumuntong hininga na lang ako at bumalik sa pagbabasa.

No use concerning myself over my sad reality. Babalik na lang ako sa pagbabasa ng aking libro.

At least dito nagiging masaya ako.

"Hi ate!"

Bigla akong napatingala sa aking pagkakaupo. Laking gulat ko nang makita ko ang mga batang kasama ko sa book reading sessions.

They are still wearing their uniforms and respective badges and armbands.

Pinilit kong ngumiti at tiningnan ko sila isa-isa, "Anong ginagawa ninyo dito? Hapon na ah," masaya kong bati.

Sa halip na sumagot ay nagsibungisngisan ang mga ito at lumapit sa akin ang dalawang bata from Almorica and Phidoch at inakay ako patayo.

"Halika Ate. Punta tayo sa kwarto mo. May surprise kami sa iyo," sabi ng isang taga Rayse.

Nagpaakay ako sa kanila at nakarating na kami sa aking kwarto.

Laking gulat ko ng nakita ko ang isang napakagandang pinkish-orange ball gown na napapalamutian ng mga petal sequence and butterflies.

Nilapitan ko ito at hinawakan ang mala sutlang tela.

"Saan ito galing?" gulat kong tanong sa mga bata.

Lumapit si Cindy from Almorica at ngumiti, "That was my mom's last creation before she died. I asked dad if you can have it. He said yes. We want my mom's creation to be worn by someone like you Ate."

Nagpalakpakan ang mga bata sa paligid ko at maiiyak na sana ako ng biglang may dalawang panyo ang dumampi sa aking mga mata.

"Bawal ka umiyak ate. Hindi magandang lagyan ng make-up ang puffy eyes!" saway sa akin ni Tasha from Rayse faction.

"Take a bath ate at aayusan ka namin promise!" utos naman ni Tisha ang kanyang kakambal at itinulak ako papuntang banyo.

Mabilis naman akong naligo at paglabas ko ay nakita kong inaayos ng ibang bata ang aking gown at pinapaupo ako ni Yvrose from Zymeth sa harap ng salamin.

"Steady ka lang ate and close your eyes. We will make sure you will look pretty," pangako nito sa akin sabay utos sa ibang mga bata from Zymeth and Rayse na tulungan siya sa pag aayos ng aking mukha at buhok.

Inayos din nila Kriela at Gailyn ang aking mga daliri.

I don't know why pero ang sarap sa pakiramdam na tinutulungan ka ng mga batang minahal mo.

Mga maliliit na kamay na walang tigil ang pag-gawa maayusan lang ako.

"Ok, you can now open your eyes ate," utos ni Yvrose.

Ang unang-una kong nakita ay isang magandang babae na nakatitig sa akin.

Her brown skin is very pronounced at ang dark brown nyang mga mata ay natingkad sa saya. The long dark and full hair is swaying with the wind.

Naramdaman ko na may sinuot sa aking mga paa si Quennie from Phidoch at pagtingin ko ay isa itong pink stilettos, "Bigay ko na lang sa iyo ate. Binili ko yan online kaso hindi naman kasya sa akin obviously."

The Sixth GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat