Chapter 7

628 24 13
                                    


"Sunog na baboy!"

"Ay namumuti na ang buhok!"

"Lola!"

"Matakaw!"

Sunod-sunod ang kutsa sa kawawang si Mystina sa Rayse faction ng mga kaklase nyang lalake at babae. Mga mapuputi ang mga ito, magaganda ang hitsura at ubod ng yaman. Hindi ba niya alam bakit dito ba siya napalagay at hindi sa Zymeth kung saan sikat ang Mommy niya.

Lalo na si Volkner.

Crush na crush ito ni Mystina. Pisigan ang katawan ng labing-dalawang taong gulang na bata. Maputi ito, matangos ang ilong at ubod ng gwapo. Kamay lang ang panuklay nito sa buhok na kulutin nagugulo pag naglalaro sa snowfield ng Rayse Faction. Pero ito lagi ang nangunguna ang sa pangungutya sa kanya.

Obese si Mystina. Paano'y lahat ng gusto nitong pagkain ay binibigay ng mga magulang nito. Ang itim lalo ng mulata nyang balat gawa ng kakabilad sa araw. Ang buhok nya ay sabog na sabog at lalong nagkukulay abo dahil sa araw na namana niya sa Rayser niyang tatay na si Mystogan Ackerson. Ang Martyr Hero ng Rayse Faction.

Umiiyak na sya ng may isang payat na babaeng humarang na pumagitna sa kanya at kila Volkner. Mas matangkad ito kay Mystina o kay Volkner. Actually ito ang pinakamatangkad sa lahat ng grade school students. Makinis ang malagatas nitong balat at mahahaba ang pilik mata. Mukha itong anghel dahil brown na brown sa araw ang mga mata at buhok nito sa ilalim ng araw. Matangos ang mahaba nitong ilong at whitish-brown ang balat. Nililipad ng malamig na hangin ang mahaba nitong buhok na kulot sa dulo.

"Sumusobra na kayo ah! Bakit hindi ako ang patulan nyo ng magka-alaman kung sino ang magaling?!" hamon nito sa grupo sa Volkner, "Nakalingat lang ako ng kaunti pinagtri-tripan nyo na agad ang kapatid ko?!" hiyaw nitong malakas.

Hulog talaga ng langit kay Mystina ang kanyang kapatid na si Stellar Mari Maranan. Lagi na lang itong nasugod sa mga nang-aaway sa kanya.

"Uupakan na kita babaeng tuod!" sigaw ni Volkner sabay suntok kay Stellar.

"Ate!" sigaw ni Mystina sa kapatid na natamaan sa mukha.

Dumura ng dugo si Stellar at astig na pinunasan nito ang dugo sa labi nito, "Yun na ba iyon? Wala na bang lalakas dyan? Mas masakit pa ang kalmot ng pusa namin. Tapos ka na diba?" panginis nito dito na pinatulan naman ng bata.

Sumugod ulit si Volkner pero ang ikinagulat ng lahat ay ang pag-ilag nito at walang ano-ano ay tinadyakan ito sa panga. Talsik ang pobreng bata sa nyebe. Putok ang labi na namamaga na ngayon.

Nagpulasan ang mga kaibigan ni Volkner at naiwan itong nag-iisa na nanginginig sa takot ng lapitan ni Stellar at tinawanan, "Kung talagang matapang ka, sa akin ka lumaban at wag sa kapatid ko pogi. Napaghahalataan ka tuloy na puro ka pa cute wala ka namang sinabi sa akin," dinuro pa ito ng kapatid ni Mystina at tinitigan ng masama, "Wala akong pakialam kung lokohin mo ako o ang lahat ng students dito o teachers. Pero sa oras na makita ko na pinagtri-tripan mo o ng mga kaibigan mo ang kapatid ko..." hinaplos ni Stellar ang makinis at mamulamula nitong pisngi, "pipingasan ko yang pinagmamalaki mong mukha,"

Tinalikuran ito ni Stellar at sa isang iglap, ang malademonyong itsura nito ay naging parang sa anghel nang lumapit ito sa kanya, "Mystina ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Pasensya na ha? Mahaba kasi ang pila sa c.r kaya hindi kita agad nabalikan,"

"Ate... baka mapa-principal ka na. Sabi ng guidance counselor pag nakipag-away ka ulit ay sa Headmistress' Office ka dadalhin," takot nyang sabi dito.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now