Act 2: Chapter 1

598 20 21
                                    


"Nagkaroon po ng aberya ang bagon. Maari po sana na bumaba po tayo at lakarin na lamang po natin ang riles. Humihingi po ng paumanhin ang management ng MRT at salamat po sa pangunawa".

Hindi ko napigilang mapataas ng kilay ng pag silip ko sa labas ng bintana ng bagon at nakita kong mas malala pa sa desyerto ng Almorica ang init sa labas. Yung tipong nag hazy na yung tingin mo sa labas.

Katakot takot na mura at angal ang nakinig ko sa ilang daang kasakay ko. Mas malulutong pa sa chicharon na salita ang pinakawalan, mapababae, lalaki, empleyado o estudyante. Maging mga nanay na may karay na pinamalangke at mga lolo na hawak ang tungkod ay hindi maipinta ang mukha.

As I stepped out of the train, halos matunaw ako sa init ng panahon.

Katanghaliang tapat ba naman at wala halos ulap sa kalangitan ng Maynila. Idagdag mo pa ang nakakasulasok na usok ng mga smoke belching na mga sasakyan sa ilalim namin.

"Well, we survived the war before, eto pa kaya?" sabi ng isa sa mga middle aged na nasa unahan ko sa katabi nito na halatang government employee base sa suot nitong uniporme, "Bagyo, baha, gutom, gyera. Aba Pilipinas pa din ito at Pinoy pa rin tayo. Kung meron mang mga nagbago sa Pinas, yumaman, gumanda ang lugar tumaas ang kita, dalawa lang ang hindi nagbabago!"

"Ang pagtirik ng MRT at ang mga pre-war era na mga jeep na mas matanda pa sa atin," nailing na sagot ng kasama nito na nagpatawa hindi lang sa kausap nito kundi pati sa aming katulad nilang naglalakad ngayon, pawis na pawis pero buhay na buhay paring mga commuter na nanunulay sa riles ng sintihing tren ng Maynila.

Walang ganito sa Versalia Island. Ang isla kung saan ako pinanganak at nagkamuwang.

Ang isla kung saan not more than four years ago ay ang tanging lugar inikutan ng mundo ng buhay ko.

It's not a stretch to call Manila the complete opposite ng isla.

Sobrang lala ng polusyon dito, dikit dikit mga buildings, ang daming mga siksikang jeep, ilang libong mga commuters na nagsisiksikan sa mga kabaong na bagon at mga jeepney ilang tadyak na lang ay mangangalas na.

Sobrang init. Pag nakaulan naman talagang literal na lalangoy ka pauwi.

Very chaotic, messy, loud and irritating.

Yet, as I walked the rails under the blistering heat of the sun while inhaling the fresh smoke from the passing jeep, I smiled.

Despite of all these flaws, hindi ko na ipagpapalit pa ang Maynila sa Versalia.

Maybe it's just me pero sa loob ng apat na taon, napatunayan ko kung gaano ka privelaged at spoiled ang isang tulad ko na lumaki sa islang yun. Lahat halos ay dulot na sa iyo. Wala halos problema.

Kung meron man ay hindi mo maikukumpara sa ginawa kong paglalangoy pauwi dahil sa habagat. Ang pagtitiis ng pagkain ng kikiam at proven dahil naubos sa project ang allowance ko.

Mga bagay na hinding hindi ko mararanasan o naranasan man lang sa Versalia kung saan mula sa sabon hanggang sa pagkain at healthcare mo ay sagot ng Island State Government.

Federal na kasi ang Pilipinas. Bawat state o region ay kanya kanya ng rules at benefits. May mga estado gaya ng Versalia, Ilocos, Cebu, Palawan at Davao to name the few na maganda ang living standards base na din sa namamahala dito.

May mga katulad naman ng Manila na kahit pa sabihing capital ng bansa ay huli sa living standards ng ibang state ng Pilipinas. Isa na din sa dahilan ay halos kwadruple ang dami ang populasyon ng state na ito kumpara sa iba kaya imposible naman na mabigyan ng same benefits ang mga nakatira dito compared for example sa versalia na wala pa sa one eight ng population ng Manila.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon