Chapter 6

326 11 3
                                    

"Ano ba talagang nakita mo sa kanya Mystina? Oo. Guwapo sya mayaman at matagal mamatay, mukhang imported pa. Hot! Ok. Gets ko. Pero c'mon best friend! Ang daming mas magagandang lalaki, foreigner at mas mayaman at hot dyan na naghahabol sayo noong nag-mamasteral tayo! Ano ba talagang meron dyan sa mukhang bata na yan?!" tanong sa kanya ni Sierra sa kanya ng pumasok sa café si Volkner one week after ng muli nilang pagkikita.

Thankfully hindi nito kasama ang mga hinayupak nitong barkada. Super-saiyan mode na sya pag inimbyerna sya ng mga ito ulit.

Hinarap nya si Sierra na nakatayo sa harap ng counter at naghihintay ng order ng customer nito, "Alam mo yung all of a sudden hastily and unforeseen, all at once without a warning, nahulog ang loob mo sa kanya nung may gatas pa ako sa labi nung mga musmos pa ako at inosente?" malungkot nyang sabi dito.

"Ay... aray. Masakit nga yan. Pero siguro kahit masakit balikan, alalahanin mo ang mga ginawang katarantaduhan nyan sa iyo. Na behind that angelic face ay isang demonyo na dalawang beses ka ng nadali. Wag ka nang magpatatlo! Kagagahan na iyan," warning nito sa kanya bago sya humarap ulit kay Volkner na nakatitig sa labas ng shop.

Mukhang hindi sya napansin nito ng lumapit sya. Bakit ba ang sakit nung ang lapit-lapit mo na sa kanya pero bakit parang layo-layo niya?

Letseng first love!

"Good afternoon sir! Welcome to Café Restoderia! Ano po ang order nila?" masayang bati nya dito.

Ngumiti naman ng matamis ang damuho ng harapin sya nito. Alalahanin mo ang mga ginawang katarantaduhan nyan sa iyo. Naalala nya ang paalala ni Sierra at bumalik nga sa kanya ang ngisi nito bago sya nito bitawan...

DIE!

"Carbonara special with garlic bread and four seasons,"

Tumango-tango sya habang inililista ang order ng damuho, "One order of carbonara special with garlic bread and four seasons coming right up," ulit nya sa order nito at ngumiti naman ito sa kanya.

Sige kukuha ako ng asong ulol para makipagngisian sa iyo!

"Is it me or napogi si call center boy?" sabi sa kanya ni Sierra nang makasalubong nya ito pabalik ng counter. Nginuso nito ang first customer nya weeks ago. Nananaba ito at nagkakalaman ang katawan at mukha, nababawasan na din ang itim ng eyebags, "Kukunutan lang ako ng noo nyan pag ako ang kumuha ng order nya. Ako na ang bahala dito kay demonyito, go best friend," taboy nito sa kanya pagka-agaw ng order ni Volkner sa kamay nya.

"Good afternoon sir! Welcome to Café Restoderia! Ano po ang order nyo today?" masayang bati nya dito. Infairness tunay na masaya sya dahil naging regular customer ito kaya dapat bigyan ng taos-puso at kaluluwang ngiti.

"Ano ba ang irerecomend mo ngayon, Minay?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Is it just me or ngayong nanaba si bruho ay parang nakita na nya ito dati. Baka sabihin pang interested sya dito.

"Hmm. Try mo sir yung cheese tahong namin dahil mukhang hindi ka pa naglu-lunch. May free unlimited java rice na sya. Samahan nyo na rin sir ng coke para masaya! Tapos halo-halo dahil mainit ngayon. Pero galing na kayo sa malamig diba? Yung chocolate cake na lang na lagi nyong inoorder, "

Nakatingin lang ito sa kanya habang naimik sya, "Ok, may tiwala naman ako sa suggestions mo,"

"One order of cheese tahong and unli-java rice and coke. Chocolate cake for dessert coming right up!" masaya nyang ulit ng order nito.

Nang makabalik sya sa counter ay nakita nyang may isang babae nang kasama sa upuan si Volkner. Super duper sexy at super duper din ang puti! Model ata ito ng glutha. Kulang na lang pati pupil nito at buhok puti na din.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now