The Journey Will End In A Medley

345 14 0
                                    

Ang Kady's Journey at Rynoa's Medley ang dalawa sa kaunaunahan kong story na sinulat na hindi fan fiction.

May isinulat ako na Twilight at Percy Jackson Fan Fic na ang nakabasa lang ay ang writing sister ko na si MariyeydelRio

Kung malala na sa kaguluhan ng plot at grammar ang KJ at RM, I can safely tell you na mas malala yung dalawang nauna sa kanila.

That being said. Napakaimportante sa akin ng istorya nila Kady at Rynoa. Sila ung naging gateway ko sa "real writing". Yung wala kang ginagaya na plots or scenes or story. Yung may freedom ka na gawin lahat sa character mo.

(Kaya kung saan saan na napunta si Kady noon na dinaig pa si Dora sa pag eexplore).

Years later, eto na matutuldukan ko na rin finally ang stories nila.

Tuldok in a sense na may definitive ending na si Rynoa na ilang taon kong pinagkait at ang anak ni Kady. 

Habang sinusulat ko ito ay hindi ko pa natatapos ang final part ng "ending" nila kaya cross fingers pa rin ako na nawa ay gumana ng husto ang aking kalawanging utak.

Lastly, I tried a different approach this time.

Sa halip na first person POV. I tried to view the ending using a third point of view. Sa mata ng isang character na outsider sa story nila. I guess gusto ko maramdaman ng makakarelate yung scope at sense ng story from a different perspective. Hindi sa bida, hindi sa leading man kundi sa isang babae na nagkataong nasa tamang lugar at panahon para masaksihan ang ending nilang dalawa.

I don't know kung maganda ba ang kalalabasan pero hey, hindi ko sana masisimulan ang KJ at RM kung hindi ako nagtry ng bago diba?

Well, without further ado. Eto na po ang first part ng two part finale ng Rynoa's Medley through the eyes of Verna.


The Sixth GirlWhere stories live. Discover now