Chapter 11

460 28 28
                                    

Nagsimulang tumugtog ang orchestra at nagpatuloy sa sayawan ang mga estudyanteng natira sa dance floor. Ilang sundalo ang nalampasan at nagbow ng madaanan namin hanggang sa makalabas kami sa building at tumambad sa harap ko ang isang napakagandang maze garden.

Hindi pa ako nakakapunta dito sa parteng ito ng Fenrir School Building.

Isang dim lighted grand fountain. Mga bulaklak na halatang galing sa Zymeth at mga matatayog na grass hedges. Napansin ko na madaming nakabantay na mga sundalo ng T.A.N sa paligid pero sa sobrang propesyonal nila ay parang hindi nila kami napapansin maliban sa saglit na pagtungo habang nadadaanan namin sila.

Tiningnan ko ang likod ni Travis habang inaakay niya ako.

It's like walking behind a dying man. Every step he takes seems to take all the effort he has.

Tahimik kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang bench sa sulok ng garden.

Inalalayan niya akong umupo bago siya tumabi sa akin.

"So, kamusta ang buhay?" tanong niya sa akin in a tagalog accent similar to Hoshi and Ravinder's.

I'm not surprised he can speak our language. T.A.N, especially Riksentians are effiecient in speaking tagalog. One of the reasons kaya malapit sila sa Pinas at madaming estudyanteng galing sa bansa nila ang nag aaral dito.

Ngumiti naman ako, "Ayos lang. Buhay pa. Ikaw?"

Umiling ito at tumingala sa kalangitan bago bumuntong hininga, "Buhay pa din. Sadly."

Hindi ko alam ang isasagot ko. And I don't think I need to reply at all. I just have to stay quiet and stay beside him.

We are so much alike if I may be so bold. Sometimes, words are not enough. Sometimes basta meron kang kasama, katabi at tahimik mas okay pa kesa sa useless word exchange.

Ilang minuto siguro kaming nakaupo at di nag iimikan bago siya biglang umiling at lumingon sa akin. His eyes a bit watery.

"Pasensya ka na, eto ako, date mo pero binobore kita," malungkot na sorry ni Travis sa akin.

Nginitian ko naman sya, "Ayos lang ano kaba?" sabi ko sabay lahad ng kamay sa harap nya, "Sino ako para mag reklamo? Eto ako isang hamak na estudyante ka date at katabi ang isang Crown Count Travis lang naman! Kota na ako at nakasayaw ka kanina! Hindi mo ba alam na ilang libong babae ang makikipagpatayan para lang makipagpalit sa pwesto ko ngayon?!" exaggerate kong pahayag sa kanya na thankfully nagpangiti naman sa malungkot kong katabi.

"I'm afraid I don't even know your name. I'm messed up right now, sorry".

"Ok lang yan. I'm Verna by the way. Verna Ferta", inabot ko ang kanang kamay ko kay Travis na kinuha naman nito agad at shinake nya.

"Well, I'm Travis. Drop the titles nakakasawa din. Travis na lang".

Tumango naman ako at nagkatitigan kaming dalawa.

He is like Hoshiro. The way he talks, the way he speaks, his aura. Ganto siguro ang mga royalties.

Pero mas napansin ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ko galing sa kanya. Kada hinga nya parang tinatanong niya bat sya nahinga pa.

"Anong nangyari sayo?" tahimik kong tanong kay Travis.

Nanlaki ang mga mata nito sa akin. I stood my ground at nanatili akong tahimik. Napatungo ito at napatingin sa orasan.

Napatawa naman ako ng mahina. Eight ten pa lang, "Don't worry. I'm not Cinderella. I will not go anywhere kahit mag ala una pa ng umaga yan", natatawang sabi ko sa kanya.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon