Chapter 10

243 16 1
                                    


"Ang lawak naman ng niyugan ninyo Tita," puna ko habang pinagmamasdan ang kung bakuran pa nga bang matatawag sa mahigit na isang ektaryang lupa na puno ng copra na nasa likuran lang ng bahay nila, "Ang laki siguro ng income pag ihaharvest na ang mga ito ano?"

"Naku oo. Malaking tulong ding pangsalo sa araw-araw na gastusin. Sa halip na withdraw ng withdraw sa bangko ay dyan na lang kami nakuha ng pampabaon at pambili ng bigas pag hindi kasya ang allotted na pera namin. Sa panahon ngayon na kahit anong budget mo ay nasobra pa din ang gastusin ay maasahan talaga ang mga niyog na mabuti na lang ay hindi pinaputol ni tatay kahit nung nagkagasolinahan kami," masayang sagot nya sa akin sabay pinihit pasara ang faucet at iniwan nang nakababad ang mga damit na kanina pa nya kinusot, "Maiwan ko na muna kayong dalawa dito Verna. Lilinisin ko iyong ikinalat na coloring materials ni Sherro sa kwarto namin. Pag nagutom kayo, mag magbukas na lang kayo ng ref at kumuha na lang kayo. Maya-maya pa ako ng konti makakapagluto ng tanghalian."

Iyon lang at pinagulong na nya ang kanyang wheelchair papasok ng bahay at naiwan na kami ni Kowru na nakaupo sa ilalim ng puno ng santol sa likuran ng bahay.

"Ayos ka lang ba Ambassadress?" tanong ni Kowru sa akin.

Napatingin ako sa kanyang direksyon at tumango ako, "Surprisngly yes."

"You know, you lost your once in a lifetime chance for revenge," tahimik na untag nito sa akin na nagpataas ng aking kilay.

"I should've known na nakikinig kang bata ka," naiiling na sabi ko sa kanya sabay pabirong binatukan ito, "Alam mo bang hindi magandang katangian ng isang lalaki ang pagiging tsismoso?"

Tumawa naman ito bago umiling, "Nope. I don't care kung ano pang sabihin mo. It's my job to keep you safe and I will continue listening, stalking and prowling in front and behind your back just to make sure you are fine."

"Kung hindi lang kita kilala, iisipin ko may pagkacreepy habbit ka," natatawa kong sabi sa aking personal guard na nagpangiwi sa kanya.

"But really, you got your chance last night and you just let it slip by," balik nito sa sinabi nya sa akin kanina, "C'mon, alam ko pakiramdam ng tulad mong nawalan. Maybe a bit worse since I remembered vividly how I've lost them. Pero kung nasa harap ko ang ang ramdam kong may kagagawan ay patatawarin ako ng mga bitwin," sabi nito sabay suntok sa hangin.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing and to my surprise, smiled again without me knowing, "Siguro sobrang tagal ko nang dinadala ang lahat, finally nailabas ko na. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. But as I said, nothing will return to me. Walang babalik sa akin kahit anong nangyari."

"Mali ka."

Napalingon ako sa katabi ko na nakatitig na nakatitig sa akin. His eyes piercing my very core.

"May bumalik sa iyo," tahimik na sabi nito sa akin bago napangiti ng kaunti, "You regained your freedom. You're finally free again like what you used to be until you learned all the things that imprisoned you for decades."

Napakagat ako sa aking labi at namasa ang aking mga mata. Tama si Kowru, I'm free once again. May bumalik nga sa akin na nawala. Ang kalayaan ko mula sa nakaraan.

Ginulo ko ang buhok nito at tumango sa kanya, "Alam mo ang galing mo pa palang mag-advice. How about ipasok kita sa Advisory Division ng Akimrea?"

"No thanks. I'm happy where I am right now. Sa tabi ng pamilya ko," he said to me innocently.

Napatungo na lang ako at napangiti as I hold back my tears, "Nakakalimutan ko na may mga taong nag-aalala sa akin."

"Hindi man namin mapapalitan ang mga magulang mo. Tandaan mo lagi na hindi ka naman namin hahayaang mag-isa," sabi ni Kowru sa akin.

The Sixth GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora