Act 5 Finale

340 19 11
                                    


"Naasikaso na ba ang lahat, Kowru?"

Tumango ang binatang naka itim na walking shorts at puting sando na nagpalabas ng kanyang may pagkapatpating pangangatawan na nagpaalala sa akin ng mala-kawayang katawan ni Ravinder noong mga teenagers pa kami.

Nakaupo kami sa isang decrepit na cottage na nakatirik hindi kalayuan sa dalampasigan sa outskirts lang ng Maynila na halatang napakadalang puntahan ng mga tao dahil maliban sa mangilan-ngilang mga bata na naglalaro ng buhangin sa hindi kalayuan ay kami lang ni Kowru ang mga matatandang nandito na naghihintay ng bukang-liwayway.

"Wala ka nang dapat problemahin pa, Ambassadress," paninigurado sa akin ni Kowru na huminga ng malalim at nilanghap ang preskong hangin mula sa dagat, "Everything is completely spotless. All relevant paper files shredded, computer documents are duplicated and sent to the mainland while the originals are thoroughly deleted and the hardwares personally destroyed by your employees. None will be the wiser."

"As if nothing happened..."

"As if nothing happened," ulit nya sa sinabi ko na nagpapanatag na finally ng kalooban ko.

Lycan will be the President of the Federal Republic of the Philippines, Senator Lacerna will keep his position as the Senate President next week as sure as the sun will rise a few moments from now.

Lahat ng ginawa namin, pinagpaguran, iniyakan at pinagpuyatan ay nagkaroon ng magandang resulta. Natalo namin ang mga major countries gaya ng China at USA sa pagimpluwensya sa kritikal na halalang ito.

For the first time in the recent history of the Philippines, hindi ang dalawang superpowers ang nakahawak sa aking bansa.

Masyado nilang minaliit ang Akimrea at Hyilla.

They know what we are up to.

Hindi na namin mabilang kung ilang beses kaming pinilit ihack ng mga cyber experts nila to derail our plans but thankfully, our systems are impregnable thanks to fact na kontrolado namin ang very cables where their connections are passing.

We know everything that they will do before they even implement it kaya lagi kaming three steps ahead sa kanila.

Isang malaking kahangalan kung sasabihin ko na uunlad na lalo ang Pilipinas after this...

But what I am sure of is that this victory of ours will definitely put my country in the right path to true self autonomy.

Walang balak mamakialam ang Akimrea o Hyillia sa internal nor external politics ng Pilipinas. They will only be encouraging more trades and tourism growth at maximum.

Wala sa bokabularyo nila Hoshiro at High Priestess Yella ang "pamamakialam" dahil hirap na nga silang harapin ang nakaambang na problema na dala ng Uyghuristan.

"Kowru sigurado ka na dadating sila dito?"

Tumango ang binata at pasimpleng lumingon sa aming likuran, "Positive. The Presumptive President made his very first call after his victory to her at nagmakaawa na magkita sila for the last time right here at this very place."

"Indeed. This may be the last time for them, but at least both of them are alive. At the very least..."

"Ambassadress, sa tingin mo tama ba ang ginawa mo years ago?"

Napatawa na lang ako at napailing habang ginulo ko ang makapal na buhok ng aking personal guard, "Don't you think it's a little too late to ask that question, Kowru? Ngayon pa kung kalian nandito na tayo? After all that has been said and done, all I can do is wait for the judgment of my actions. Tama?"

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now