Christmas Reunion

365 15 6
                                    

Sumakay ako sa Philippine Airlines sa Monarchial Airport of Akimrea. Karamihan sa mga kasakay ko eh mga ofw o mga bakasyonista galing USA na mag spend ng Christmas sa Pinas.

Umupo ako sa pinakadulo ng business class at tumingin sa labas ng bintana.

It's the twenty fourth today at ang projected arrival ay nine ng gabi. Just in time for Noche Buena para sa mga kasakay ko ngayon na excited na makauw sa kani-kanilang mga pamilya.

Masayang nagkwekwentuhan ang mga pasahero kahit mga hindi magkakakilala.

Kung ano ang plano nila...

Kung ano ano ang mga regalo nila...

Kung sino ang sasalubong sa kanila sa airport...

Eto yung mga moment na kinakain ng inggit ang aking pagkatao. Buti pa sila may uuwian. Ako wala...

Walang sasalubong sa akin at solo akong hahanap ng hotel sa Maynila mamaya.

Biglang nag vibrate ang phone ko at nakita kong si Hoshiro ang natawag.

"Hoshiro?" sagot ko sa call.

"Come back home Verna," pakiusap nito sa akin, "No matter what happens uuwi ka sa amin ha?"

Napangiti ako, "Pangako. Uuwi ako."

"I love you," sagot nya sa akin sabay naputol ang call saktong pagbabala ng mga stewardess na patayin ang mga cell phones as we prepare to take off.

This short trip will feel a long one.

Not because of time but because of the people around me. Discussing their plans for the holidays while I have none but work ahead...

Sa mga gantong panahon, nararamdaman mo talaga kung gaano kalala ang pagiging isang ulila...

-0-

Ilang oras lang ang lumipas at nakapag landing na ang eroplanong sinasakyan ko sa Manila International Airport.

Excited na excited na nagsibabaan ang mga kasama ko sa byahe at pinauna ko sila sa pagbaba dahil wala naman akong inaasahang sasalubong sa akin.

As I stepped out of the airplane, ang una kong nakita ang maaliwalas at puno ng bituin na kalangitan ng Pilipinas.

Swerte dahil kadalasan ang pasko dito ay maulan, if not mabaha pa kaya sobrang rare ng ganitong kagandang panahon pag Christmas time.

May kalamigan din kaya minadali kong sumunod sa mga nagtatakbuhang kumpol ng mga balikbayan papasok sa airport building para hindi mahumugan.

Ng makuha ko ang degulong kong maleta ay naglakad na ako papunta sa arrival area kung saan kumirot ang puso ko ng makita ko ang malaki at maingay na grupo ng mga pamilya ng mga kasakay kong pamilya na naghihiyawan at itinataas ang kanilang mga hawak na karatula ng may mga pangalan ng mga kaanak nila o mga welcome messages.

Kita ko kung paano magyakapan at mag iyakan ang mga tao sa paligid ko ng makita nila ang inaantay nila.

I heard from the most of them that they waited years if not decades just to see their loved ones once again.

And just in time for Christmas.

May mga mag asawa, mag lola, magkakaibigan, magsyota, mga magkabarkada, mga mag online buddies at mga magulang na nakasamang muli ang mga anak sa araw na pinaka importante sa pamilyang Pilipino.

Ayaw ko na magtagal pa dito dahil durog na durog na ang puso ko sa lungkot at inggit...

Pero nahaharangan ng mga tao ang dadaaanan ko dapat na exit dahil lahat ng mga kasakay ko eh nandito para salubungin sila at hindi pa matapos ang kanilang walang katapusang yakapan at kamustahan.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now