Chapter 3

1K 69 19
                                    


"Oh, eto na," sabi ni Councilor Sylvie sa akin sabay abot ng isang bugkos ng papel sa akin, "Sabihin mo na pag-aralan niya ito bago magka meeting ulit ang High Council" paalala sa akin ng Representative Councilor ng Brigantys.

She is wearing a pink scarf, maya brooch at nagpapaypay ng isang pamaypay na gawa sa barnished na kahoy. She has a very beautiful brown complexion at ilong na hindi katangusan pero hindi rin naman pango. Her eyes are black at maganda ang kanyang pustura.

It's like I'm meeting a Maria Clara-like lady in the 21st century. Nakaupo ako ngayon sa rattan made chair sa harap ng kanyang mesa at very Filipino ang office nya sa mala-Malacanang na school compound ng Brigantys.

"Sige po Councilor Sylvie. Meron pa po ba kayong iuutos?" magalang na tanong ko dito.

Umiling ito at ngumiti sa akin, "Wala na naman Verna. If I'm correct si Paladia lang ang Representative Councilor na ni-uutilize to the fullest ang Coordinator niya diba?"

Pinagana ko agad ang utak ko. Brigantys and Vasque's relations are sketchy at best. We Vasquers know that only Rayse will see us through and through. Bawat sagot o sasabihin ko sa ibang factions be they regular students or their Representative Councilors ay maaaring makaapekto sa image ng faction ko. I have to tread carefully.

Bawat sasabihin ko makakaapekto kay Councilor Paladia and my faction as well.

"Oo. Pero sa sobrang dami niyang ginagawa para sa amin, kailangan niya ng katulong para sa mga maliliit at hindi masyadong mahahalagang mga bagay. That's where I came in," sagot ko kay Sylvie.

Napangiti ito at tumaas ang isang kilay, "Inaasahang sagot na manggagaling lang sa sekretarya ni Paladia. Pinagiisipan bago sabihin."

Hindi ako sumagot dahil hindi ko malaman kung papuri ba o panloloko ang sinabi niya. Silence ang tanging sagot na nababagay sa sinabi nito.

"Ilang taon ka na ba Verna, kung hindi nakakahiyang itanong?"

"Fourteen, turning fifteen," mabilis kong sagot.

Tumango-tango lang ito, "Ang bata mo pa pala. Pero sigurado ako," tumayo siya at inabot ang kanyang kanang kamay sa akin, "Napakahaba na ng nilakbay mo diba?"

Hindi ko alam ang isasagot koya inabot ko ang kanyang kamay at dala ang papeles ay nagpaalam na ako kay Councilor Sylvie. Lumabas ako sa office niya without looking back.

As I walked past the golden statue of Christopher Malaban, Brigantys' War Hero which is holding a machine gun and raising his hand as if rallying an army to battle, I realized.

Kahit pala ang bata ko pa, ang dami na din palang dumaang mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko napansin. O baka dahil sobrang abala ako sa pagbabasa, hindi ko na namalayan ang takbo ng oras.

Like the presentation of the new batch of Representative Councilors ng V.U last month lang.

-0-

Announcement of the victors of the recent elections of Representative Councilors.

As usual nagtipon-tipon lahat ng mahigit kumulang ten thousand students of Versalia University sa harap ng House of Council kung saan may isang malaking stage na naka setup sa harap ng gate nito.

Ang mga banners ng walong faction ay nawagayway sa hangin at nakataas ang mga bandila ng Pilipinas, Versalia University at State of Versalia Island.

Pagkatapos ng gyera ay naging Federal Government na ang Pilipinas at tinawag na itong Republican States of the Philippines o Republica ng mga Estados ng Pilipinas.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon