Act 5 Reprise

326 22 12
                                    


"Matagumpay na naisagawa ang Ascencion Ceremony of the President of the Federal Republic of the Philippines kamakailan lamang kasabay ng surprise wedding ng bago nating pinuno sa kanyang long-time love na isang lisensyadong doctor. We just didn't gain a new leader but also a capable looking first-lady na pinangakong mag-fofocus sa napapabayaang health sector ng bansa..."

Tahimik akong nanunuod ng special coverage news sa tablet ni Kowru na hiniram ko habang nakasakay kami sa aking kotse papunta sa Malacanang. Dadaan lang kami for a meeting with the President and then we will head to the airport pabalik sa Akimrea shortly after.

"...President Lycan Fortalejo and First Lady Sierra Fortalejo will grace the very important ceremony today in the palace. Darating ang representatives ng iba't ibang bansa para magpresent ng kani-kanilang mga credentials proving their capacity as Ambassadors and Ambassaress of their respective countries to the Federal Republic of the Philippines. So far madami na ang mga nakausap ng ating president at ng kanyang maybahay at iilan na lamang ang mga hinihintay to present themselves to the leader of our country..."

Sinadya kong magpahuli sa aking appointment dahil madami din akong inasikaso bago ako umalis ng embahada ng Hyillia at Akimrea.

Inannouce ko sa lahat ng empleyado na may two months silang paid vacation to enjoy at pagbalik nila ay promoted na sila to a higher position and reap the benefits of their hard labor.

Dumating kahapon lang ang mga relievers nila at mga karagdagang tao mula teokrasya at kaharian. Bagama't ako pa rin ang tatayong Ambassadress ng dalawang bansa dito sa Pilipinas, it will be in name only once again. Ang ilang daang tauhan na ang gagawa ulit ng trabaho instead of me as it always was before I came here last year.

"We're here, Ambassadress."

Napatingin ako kay Kowru na nakangiting itinuro sa labas ng bintana ang Malacanang Palace. Ang seat of power ng Pilipinas for centuries now.

Pumasok na sa gate ang aming convoy at ilang saglit lang ay tumigil na ito sa entrance ng palasyo.

Bumaba na si Kowru ahead of me para pagbuksan ako ng pinto.

Inayos ko ang suot kong simple black blazer and knee high skirt at hinintay na pagbuksan ako ng pintuan ng kotse.

When Kowru opened the door finally ay sinalubong ako ng nakakasilaw na ilaw ng mga camera kasunod ng mga hindi maubos-ubos na mga tanong ng mga nag-aabang na mga reporters.

"Ambassadress, is it true that the Kingdom and Theocracy will be providing help to the Philippines now that the United States of America and People's Republic of China are withdrawing their support to the Federal Republic of the Philippines?"

"All I can say for now is that we will make good of the promise we made years ago. We will be an enduring and valuable ally of the Philippines as long as the stars wills it."

"Is it true that Hyillia and Akimrea secretly supported the candidacy of President Lycan Fortalejo to gain control of this country?"

"A baseless accusation made by malicious groups of people who doesn't want this country to prosper. As long as they can't provide a substantial proof to back up their claims, it will stay as what it is from the very start. A lie."

"Ano ang masasabi ninyo sa gumagandang relations ng Pilipinas sa Hyillia at Akimrea?"

"Nakakataba ng puso na makitang ang tatlong bansang itinuring ko nang tahanan ay nagiging mas malapit pa. Saksi ako sa pagsisimula ng mabuting samahan na ito na nakabase lamang sa pagtutulungan at kawang gawa. Naniniwala ako na simula pa lang ito ng unang hakbang papunta sa masaganang kinabukasan ng ating mga bansa."

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now