Radio Tides

336 19 8
                                    


Note: Kyria's P.O.V

P.S: Hindi po ako nagkamali ng UD! Enjoy!



Binabagtas ko ang kahabaan ng kalsada sakay ng aking itim at orange na Lamborghini Urus quietly after voting in my local precinct.

Dahil nga kilala na nila ang tunay na pangalan ko, napakadaming mga fans at media reporters ang naka-abang na sa presinto na pagbobotohan ko kahit na saktong-saktong bukas pa lang ng school ako dumating sakay ng pedicab after I parked my car sa restaurant ng kakilala ni baks a few minutes away.

Nakatadong salamin na ako at mega bangs pero talagang my fame precedes me already. 

Buti na lang talaga at isa ako sa mga early birds kaya kahit medyo natagalan ay nakaraos din ako sa pagboto long before most people and media outlets arrived.

Halatang napakaimportanteng araw ngayon dahil napakadaming tao ang nasa labas ng kanilang mga bahay at walang pasok ang karamihan sa mga establisyemento ng bansa dahil national elections today.

Yes, ang isa sa pinakaimportanteng kaganapan sa bansa once every six years ay nangyayari na ngayon. Parang may pyesta lang sa ingay at dami ng mga nagkalat na tao sa lansangan na mga papunta sa mga presinto sa mga malalapit na school para bumoto.

Thankfully, naging matagumpay ang "Lakad Halalan" program ng gobyerno dahil sa halip na gumamit ng sasakyan ang mga Pinoy ay minabuti nilang maglakad kung kaya naman papunta sa mga eskwelahan para bumoto.

Medyo proud din ako dahil isa ako sa tinap ng government para ipromote ang initiative na ito. Kahanay ko ang mga prominenteng mga artista, singers, idols at radio announcers na nagpupush ng idea na ito.

Kaya ngayon parang may concert lang ni Alyssa dahil mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyang kasama kong bumabyahe sa daan.

Alam na alam ko na kahit nahuhuli sa surveys si Lycan Fortalejo, it's just a fake news release in reality.

Bakit ko alam?

Kasi isa ako sa mga taong nagpropagate ng kasinungalingan na iyon para mamislead ang mga kalaban sa karera sa pagkapresidente. Ilang buwan ko ding ginawa iyon because I personally believed that it is for the best kung isang Versalian ang manalo gaya ng nanay at tatay ko.

I'm not really a politically inclined person and I for one believed na wala nang pag-asa pang magbago ang gobyerno naming kahit pa daanan ito ng ilang daang dosenang bagyo o ng gyera.

Napatingin ako sa tarpaulin ng kalaban ni Senator Lycan at napatawa na lang ako sa slogan nito na wala na daw mahirap pag sya na ang nanalo.

Mas maniniwala pa ako sa wala nang yapak na bata pag si Lycan ang nanalo kesa sa gasgas na linyahan nitong kulugong presidentiable na ito.

At least achievable pa ung target nya. Kudos sa kung sino mang nag-isip nun. Madali tandaan at pag naalala ng botante, madaling gawan ng paraan para matupad.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa restaurant na designated place ng meeting naming ng aking contractor.

Himalang hindi trapik sa Olivarez Binan na years and years ago eh daig pa ang edsa sa karambola ng mga sasakyan.

I should give myself a pat on the back.

Effective nga talaga ang kampanya na maglakad na lang. Bukod sa good for the health, eh nakakaluwag pa ng kalsada at bonding moments pa dahil magkakabarkada o grupo ang mga nakikita kong tao.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now