Chapter 5

770 45 23
                                    

February na at as usual, buwan na naman ng mga puso at ng mga couples.

Business as usual sa Vasque as always as for all the factions. Second week na at sa kasalukuyan ay ginaganap ang magulo at masayang Valentine's Week celebration ng University.

Sa pangunguna ni Representative Councilor Mystina ay nagdaos ng ilang palooza at bazaar ang school para sa mga estudyante.

Meron ding EDM parties at all star concerts para sa mga couples.

Siyempre hindi mawawala ang Kissapalooza kung saan maghahalikan ng sobrang tagal ang mga mag partners!

Hindi ko ba alam kung bakit ako kinikilig eh wala naman akong lovelife. Hay awan ko ba?!

Basta ako, kahit single ako, ay naligayahan sa celebration. I love seeing partners looking at each other's eyes like nobody else matters in the world.

Yung mga tipong hindi mo mapaghihiwalay kahit ipahatak mo sa dalawang 24-wheeler truck ang mga mag-jowa.

Now it's almost the end of the month at malapit na ang summer na pinaka-aabangan ng lahat. Especially with the promise of Versalia Beach Parties Sponsored by Vasque and Zymeth.

Talagang todo pasikat na ang High Council of Versalia. Though they are more on fun and student oriented than the law and order focus ng Brix administration.

Habang naglalakad ako papunta sa gilid ng V.U park ay nakita ko ang malaking kumpol ng mga estudyante from all factions na nagkakalibumbungan sa iba't ibang booths na naka set-up sa gitna ng park.

May Fortune Telling, Speed-Dating Tent, Love Songs Videoke, Blind Date Madness, Love Your Food Restaurant at kung ano-ano pang Valentine related stalls and stuffs ang makikita mo.

Napadaan ako sa isang pond at nakita ko ang aking repleksyon.

Isang babae na mukhang kamag-anak ni Sadako ang nakatayo. Nakabagsak ang tuwid na tuwid niyang buhok na nakaharang din sa kanyang mukha na ang kita lamang ay ang kanyang kanang shallow black na mga mata at ang mga labi na maninipis.

Tunay na balat na Filipina dahil sa pagiging kayumanggi nito at may tamang tangkad. Nakasuot ito ng seahorse brooch, orange bandana sa kanang braso at beach hat na nakapatong sa ulo.

Balingkinitan at may pagka slim ang katawan nito. Ang hitsurang ito ay hindi na iba sa mga Vasquers pero sa mga taga ibang faction ay merong pagka weird ito.

Maybe even weirder than a group of cream hoodie wearing student ng mga Almorica na pagala-gala ngayon sa palibot ng park.

Well, there you go, nadescribe ko na ang sarili ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang hawak ang libro na binabasa ko.

Naputol ang payapa kong paglalakad ng biglang may humawak sa aking braso at inumpisahan na akong kaladkarin.

Pagtingin ko ay laking gulat ko at nakita ko ang Representative Councilor ng Rayse faction na si Zhazsa.

"Councilor!" gulat kong bulas sa babaeng naka trench coat, walrus badge at brown scarf.

Hindi niya ako tiningnan bagkos ay patuloy niya akong kinakaladkad papasok sa park.

"Now, now little Vasquer don't be afraid. Hindi naman mangangagat ang ka faction ko. Kailangan lang talaga naming maka quota ng singkwenta kaya tinatangay kita," sabi niya sa akin.

Sa una ay hindi ko magets ang sinasabi niya pero nanlaki ang aking mga mata ko ng makita kong kinakaladkad niya ako papunta sa Speed-Dating Tent ng Rayse Faction.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon