Chapter 4.5

463 22 28
                                    


Napakadaming buttons ng floor numbers ang nandoon. Wala halos skyscraper sa Versalia Island dahil ang karamihan ay nasira dahil sa gyera at ang karamihan sa mga bagong building na tinayo ay hindi halos lalagpas sa fourty floor.

Hinanap kong mabilis ang 88th button at pinindot ito.

Nagsimula nang umakyat ang elevator at ilang saglit pa ay napatili ako ng sobrang lakas.

Napatalon ako malapit sa pinto hindi sa dahil may lumabas na multo o gumapang na ahas sa likod ko.

Kundi dahil glass tube elevator pala ang nasakyan ko at kitang kita ko ang Hyilliopolis Skyline at ang mas nakakatakot pa ay nasa labas ng building ang elevator at glass floor din ang tinatapakan ko.

Kitang kita ang sementong pwedeng pwede kong bagsakan any moment now. I looked around me and I can see even beyond my fear the beauty and grandiosity of Hyilliopolis as a whole thanks to this blasted elevator of heart attacks!

Kahit katal na katal na ako ay natalo ng paghanga ang takot ko ng umakyat pa ng husto ang sinasakyan kong glass coffin.

Nagtataasang buildings. Wala halos mga gusaling bababa ata sa thirty floors.

Napatigil ako sa pagtingin ng maramdaman kong parang natagilid ang sinasakyan ko.

To my surprise, the elevator is spiraling the building giving me 360 degrees' view ng kabuuan ng building at ng Hyilliopolis as a whole.

Ilang saglit pa at nakita ko ang kabuuan ng city at nalaman ko na nakakulong pala sa gitna ng mga kabundukan ang syudad. Behind those mountains are vast ocean at ang magpapatunay na isang malaking isla nga ang napuntahan ko sa gitna ng malawak na karagatan ng pasipiko.

May nakita akong malaking building sa tagiliran ko na parang malaking templo or something pero hindi ko na natitigan ng husto dahil sa wakas ay tumigil na din ang depusang elevator at tumakbo agad ako palabas.

Isang magara at carpeted na hallway ang natapakan ko at nagsara na ang elevator na hindi ko na ata kayang sakyan pa ulit.

After I catched my breath, I looked around and saw countless doors from side to side of the hallways.

Minabuti kong hanapin ang room 88 para makapamahinga na din ako at makalimutan kahit saglit ang nakakagulat na experience na iyon.

884

886

888

Eto, eto na sa wakas.

Nakatayo ako sa tapat ng isang pinto na mukhang mas mahal pa sa buhay ko at isinaksak ang susi sa nag aabang na keyhole at presto! Bumukas na ito kahit hindi ko pinihit ang knob!

Mas matindi pa sa gulat ng bwisit na glass tube elevator ang naramdaman ko matapos automatic na bumukas ang mga ilaw ng unit at makita ko ang kabuuan ng bago kong tahanan.

Black and white ang motif ng kwarto.

Mamahaling mga appliances na sa Versalia Malls ko lang nakikita dati. Mga ilang thread counts na comforter. Well designed interior at double door ref!

What's better is may lamang mamahaling pagkain ang ref na iyon!

Isinara ko iyon at pumunta sa bathroom at nakita ko ang jet powered bath tub at state of the art shower with cold-not so cold-warm-warm-hot-hot-scalding and custom options na iilang beses ko lang na experience pag nasa Versalian Conference or Events ako!

And Hyillians probably value view most of all.

Ang tanging naghihiwalay sa aking kinatatayuan ngayon at isang pancake na kamatayan ay makakapal at mataas na salamin mula kisame hanggang sahig. Kitang kita ang west coast ng bansa at ang asul na karagatan na parang wala nang katapusan.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon