Chapter 5

448 21 15
                                    

Pagkapasok ko sa loob ng building ay para akong nateleport sa loob ng Consitechland Philippines. Wala halos pinagkaiba ang lay out ng floor. Same reception are, hiring area at HR office.

Kung hindi nga lang sa mga nakakasalubong kong mga Hyillians ay aakalain ko talagang nasa Maynila lang ako.

Even though same height and body build, may ilan paring defining features ang mga Hyillians compared sa mga Filipinos.

Katulad nitong isang lalaking nakasalubong ko papunta sa receptionist.

Same average height ng mga Pinoy, almost same body build, pero ang pagkabrown ng balat ay merong pagkabronze. Ang mga braso at binti ay mahahaba pero lean. At higit sa lahat, like Elesa, ang mga itim na mata ay bilog na bilog at may kung anong "shine" pag natatamaan ng liwanag. Like they are inspired or something.

"Welcome to Consitechland Main Branch! How can I help you?"

Nawala ang pag iinternalize ko ng batiin ako ng isang magandang babae na nakaupo sa likod ng desk.

"Oh, Hi!" nakangiti kong bati sabay patong ng mga papeles ko sa harap niya, "I'm Verna Ferta the new hire from the Federal Republic of the Philippines," pakilala ko sa kaharap ko.

To my surprise ay tumayo agad ito at inabot ang aking kamay at buong saya nitong shinake, "Oh my stars! Finally! Welcome to our country! I'm Tori and I am so happy na ako ang unang Hyillian na nakabati sa iyo sa loob ng building na ito!" she said enthusiastically.

Bago pa ako makasagot ay mabilis niyang kinuha ang mga papeles ko at pinaupo ako sa upuan sa tapat niya habang ineencode niya ang information ko, "Bigyan mo lang ako ng ilang minuto at tatawagin ko na din ang mag aasist sa iyo," masaya nitong sabi sa akin habang mabilis itong nagtatype sa flat screen nitong computer.

Minabuti kong tumahimik at hintaying matapos sa ginagawa niya si Tori. I decided na pagmasdan ang naglalabas masok na mga ahente ng company sa entrance ng building.

May mga dallang tumbler, makakapal na jacket, kumot ang mga ito pagpasok sa main door habang tinatap ang mga id nila sa scanner para automatic na mag slide ang pintuan.

Wala halos pinagkaiba sa mga Pinoy ang galawan. Mga nahikab, nagkukusot ng mga mata o ng salamin at mga mukhang nilalamig.

Ang nakakapagtaka lang ay wala silang mga eyebags.

Maybe dahil sa sanay ang mga Hyillians na ang umaga nila ay gabi and vice versa ay hindi na rin uso sa kanila ang eyebags.

Come to think of it. Si Elesa ay may eyebags. Yet she worked tuwing umaga. Kabaligtaran talaga nila ang mundo ng mga Pinoy to say the least.

"Sorry to keep you waiting, Verna," paumanhin ng receptionist sa akin, "Nothing to worry about though. Naayos ko na lahat ng mga bagay na dapat ayusin sap ag start mo ng work. All you have to do is wait here for a few minutes. Ilang sandali na lang ay lalabas na ang taong mag tetrain sa iyo. I'm sure she will be out any second... oh speaking of the panda," masaya nitong sabi ng biglang bumukas ang pintuan ng HR office.

Panda?

Wala pang ilang segundo ay nalaman ko na kung bakit panda.

Isang babae about my height, fair complexion ng skin ang naglalakad ngayon papunta sa direksyon namin in a bouncy steps na parang bata lang na naglalakad sa parang.

What makes her standout is her very cute, loose hoodie jacket resembling a panda. She is wearing it with a pair of black fit jeans and cute black and white sneakers with panda spots on it.

Nang makalapit na sya sa amin ay tsaka ko natitigan ang mukha nya na nakangiting nakangiti ngayon at like all Hyillians, very bright eyes na kumikinang sa liwanag at mga pisnging very rosy and plump.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now