Chapter 8

444 23 4
                                    

"Uy, sorry Verna. Ano kasi, ano, busy kasi ako. Hindi na kita maihahatid sa airport. Kasi, basta enjoy at gamitin mo yang pahiram namin na sinangat ko sa bag mo hah? Lucky charm shinies namin ni Mochabits yan. Basta, Verns, pasalubong tsaka ano. Tsaka, ahh kasi, busy ako, sige. Sige Verns, sige busy kasi ako pag-aasikaso ng busy sige, bye and pasalubong!"

Naputol na lang ang linya bago pa ako makasagot ng isang salita kay Elesa na kakatawag lang five hours before my departure.

Ibinaba ko na ang phone ko sa loob ng aking bag at naguguluhang hinalungkat ang laman nito para hanapin ang sinabi ni Elesa.

Habang naghahanap ay hindi mawala sa isip ko ang tono ng boses niya.

Parang kalat ang ulo at naguguluhan sa sarili ang resepsyonista.

Nagkibit balikat na lang ako at naisip na baka busy lang talaga sya. After all may pamilya syang inaalagaan at end of the month na kaya I'm sure super busy nga ito sa pagbabayad ng mga bills nya.

Lalo na siguro sa sitwasyon nya na madaming bayarin dahil ang daming credit card purchases ito gawa ng mga mamahaling alahas nya.

Ilang sandali pa at may nakapa akong hindi pamilyar sa kailaliman ng bag ko na parang kahon.

Tama.

Isang pulang kahon na kasing lapad ng kamay ko ang tumambad sa akin.

Baka nilagay ito ni Elesa noong nasa fitting room ako habang nagsusukat ng damit na susuotin ko para sa party.

Akmang bubuksan ko ito nang biglang iannounce na oras na para mag board ng eroplano ang Hyilliopolis-London flight kung saan naka destino ang inyong lingcod.

Shinoot ko ulit ang box ni Elesa sa bag at dali dali akong tumayo at hinatak ang aking degulong na suitcase papunta sa departure gate para makalayas na at masimulan na ang bakasyon engrande ko.

Engrande dahil kasunod ng bakasyon ko ay days off ko at official holiday kaya almost ten days akong libre.

Engrande talaga.

-0-

Gawa siguro ng pagod at Benadryl na ininom ko laban sa allergy ko ay mahimbing akong nakatulog sa buong duration ng flight ko to London.

(Na tumagal din ng lampas fourteen hours. Mabuti naman dahil tyak mababato lang ako sa eroplano kaya blessing na din na nakatulog na lang ako).

Wala kasing direct flight from Hyillia to Laroost, ang capital ng Aristocractic Dukedom of Riksent kaya sa bababa ako sa London then tsaka ako sasakay papunta sa kapitolyo ng Dukesa.

Paglabas na paglabas ko ng eroplano ay nasagap ng aking mumurahing ilong ang mayamaning hangin ng U.K!

Westerner world ika nga.

Bagama't cutting edge din ang technology ng Hyilliopolis (on par with Versalia) ay meron silang certain "Pacific" touch.

Compared dito sa simpleng vending machine sa waiting area ng London Heathrow Airport na halos dumugo ang ilong ko sa lalim ng English. (Not to mention dahil na din sa pagcocompute ng pound versus Astras, ang currency ng Hyillia.

Turns out malakas ang pera ng pinagtatrabahuhan kong bansa. One pound equals to five Astras.

Nakakatuwa dahil hindi masyado nagkakalayo compared to Pesos na tyak ay mga fourty and above ang palitan.

Magandang pangitain para sa akin dahil tyak na madami akong mabibiling pasalubong bago umuwi.

Sa wakas ay may naawa sa aking matanda at mabait na britong babae na kanina pa ata ako nakikita atang nakikipagtitigan sa sign ng vending machine at ibinili na nya ako ng pinagpalang coke in can.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now