Chapter 8

524 30 23
                                    

One week later...

Rayse Faction Dance Hall...

7 pm...

"Dyosaness ever ang eksena nang aking mga kapederasyon! Mga dating langaw! Ngayon sila na ang nilalangaw! Winnie the Pooh!" masayang sigaw ni Neil sa kanilang tatlo.

"Si Ms. Stellar parang tetra-pack! Puro kanto ang katawan! Samantalang si Ms. Mystina naman coca-cola body! Ang daming curves!" puna nito sa kanilang magkapatid, "Si Shivali naman... ay... ay..."

"Ano?! Imik?" hamon dito ng fiancee nito.

"Mas maganda ang beauty ko sa iyo impakta! Nakakahagas ka ng beauty!" ingos nito sa kasintahan na bumelat naman.

Pinkish-violet ang flowing gown ni Mystina para maitago ang kanyang excess luggage. Ang ganda nya dito labas na labas ang pagkahilaw nyang Filipina. Meron pa syang crown.

Para syang fairy princess.

Ang ate naman nya ay naka pure black na gown na may slit hanggang tuhod sa kanan. Labas na labas ang lahi nitong europea sa balat pa lamang. Si Shivali ay naka traditional Indian gown. Lalo itong gumanda at naging exotic ang dating.

"Takte ka pare!" bigla na lamang sigaw ni Rick ang pinakamaton sa klase nila kay Neil. Hindi naman nagulat ang bakla.

"Anebeyen fafa? May problem ka sa pezlak mo?" malamyos nitong tanong.

Ngumiti ito at umiling, "Wala pero sa mukha mo meron. Masyado kang gwapo! Buti na lang may Shivali ka na. Hoy bumbay wag mong papalapitan ito sa babae ha? Mauubusan kami!" biro nito sa dalawa sabay bati ng congratulations.

"Don't worry fafa rick. One woman woman ako...Make it One girl woman ako or.... basta gets mo na yun!" sang-ayon naman nito.

Si Mystina naman ay nagkandahaba-haba ang leeg kakatingin kung dumating na si Volkner. Magsisimula na ang coutillion pero wala parin ito. May isang baklang kaibigan si Neil sa ibang section. Iyon ang kapartner ng ate nya.

Maya-maya pa ay dumating na si Volkner at tumabi sa kanya. Ang guwapo nito sa suot na black tuxedo. Speechless sya sa kisig nito at dating.

"Sorry Mystina late ako. Lakas ng snow sa labas," paumanhin nito sa akin

Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase nya at kaibigan ng umangkla sya sa kamay ni Volkner at nagsimula na ang coutillion.

"Ha! Inggit kayo ano?! Ako ang reyna ng gabi! At wala sa aking makakapigil sa kaligayahan ko! Nakuha ko na ang mahal ko!" isip na lamang nya ng magsimula na silang magsayaw ni Volkner.

Nakangisi ito sa kanya samantalang kontento na lang siyang titigan ang mukha nitong ubod ng gwapo.

Tiningnan nya ang ate nya na kakwentuhan ang baklang kapartner at tumawa sya dito ng parang nakakaloko. Siguro gulat na gulat ang ate nya.

Nadaig nya ito.

Sa sobrang tuwa ay hindi nya namalayan na nalapit na sila ni Volkner sa buffet table.

"Vo-volkner, nalayo tayo sa linya," kabang sabi niya dito.

Ngumisi lang ito at sa gulat nya ay bigla sya nitong binitawan ng umikot sya at dere-deretso sya sa buffet table kung saan napasungaba sya sa cake at dumausos sya sa sahig kasama ng ibang pagkain.

Nakinig na lamang niya ang tawanan ng mga tao sa paligid nya. Napatingin sya sa repleksyon nya sa salamin at nanlumo sya sa nakita.

Mukha syang basurahan. Halo-halo ang ulam sa gown nya at ang mukha nya ay puno ng icing ng cake. Pinilit nyang tumayo pero na-out balance sya at bumagsak sya sa estofado, una ang mukha.

The Sixth GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora