Chapter 3

447 24 9
                                    


"Ano ba yan! Yun na naman ulam?! Wala na bang iba?" reklamo ni Adeng sa amin ni Torri, "Baka pinapainit lang yan ah?" kwestyon nito sa serbedora na mabilis na tumanggi.

Siniko ko siya at pilit na ngumiti sa pobreng nagseserve, "Pagpasensyahan mo na yan ate. Mukhang nalipasan yan ng gutom at period niya kaya yan ganyan. Order nyan ay nilagang itlog at gulay with sabaw. Ako naman ay ung pritong dilis tyaka talaba. Extra rice," nilingon ko si Torri na nagbubunot ng mga barya sa kanyang bulsa, "Ikaw girl? Anong sa iyo?"

"As usual. Ate Yung NissiMe nga. Yung malaki. Bicol Express Flavor. Tsaka lagyan mo na nilabong itlog. Thanks!" masaya nitong sabi sabay abot ng bayad.

Magkakasabay na kaming umupo malapit sa t.v at inupakan na ang aming "lunch" sa hating gabi.

"Buti hindi pa nabubutas ang bituka mo kaka instant noodles mo girl!" puna ni Adeng kay Torri na sarap na sarap sa paghigop ng kanyang pagkain, "Alam mob a madaming kemikals yan?"

Tumango naman ang bruha, "Oo alam ko. Pero masarap eh! Kailangan ako masarapan kundi itatapon ko lahat sa shredder mga inaayos kong papeles at itatapon ito sa labas ng bintana! Bwisit talaga," inis na reklamo nito sabay higop ulit, "Anyways, girl. Ano ba ang iaanounce mo sa amin ni Verna?"

Nagrequest ito na isabay namin sa kanya ang lunch breaks namin na hiwahiwalay ang start. May sasabihin daw siya.

Tumigil ito sa pagkain at may hinugot sa bag na dalawang sobre at inabot sa amin ni Torri.

"Go on! Open it!" udyok nya sa amin habang naguguluhan kaming nakatingin sa sobre na puno ng star designs and strawberry scented.

Nagkatinginan kami ni Torri bago namin sabay binuksan ang sobre at hinugot ang isang piraso ng papel sa loob.

Hawkins~Reid Nuptial

Napairit kami ni Torri sa gulat at mabilis namin niyakap si Adeng.

"Bruha ka! Kelan ka pa engaged?!" demand kong tanong dito.

"One year na girl!" natatawa at naiiyak nitong amin sa aming dalawa.

Hinampas ni Torri ang ulo nito sa inis, "Grabe! Tagal ka na palang nagwawalwal hindi ka man lang nagpaparamdam sa amin! So malaki ba?" double meaning na tanong ni Torri na ang inabot ay kurot at sundot sa tagiliran mula kay Adeng.

"Loka! Alam mo naman na hanggang Avaya lang ang landi ko! Gags!" blushed nitong sagot sabay halatang kinikilig.

"Teka! So gwapo nga ba?" biro kong tanong kay Adeng, "Sa boses mukhang d.j na ng radio so ano sa personal?"

Taas kilay na hinarap ako ni Adeng, "Well, to be honest and fair, aminado ako pati sya na wala syang panama sa suitor mo Verns. But I have to say lamang lang ng tatlong paligo manliligaw mo!"

Nagtawanan na lang kaming parang mga baliw.

"Teka! Mukhang mga tamad kayong magbasa mga bruha kaya ako na magsasabi. Abay kayong dalawa," lumingon sa akin si Adeng sabay abot ng isa pang sobre, "Bigay mo kay Elesa, abay din sya. Anyways, ang kasal ko ay next weekend na after this one so no reason or excuses para di kayo pumunta o masisira entourage ko. Ang venue ay sa Yellan Temple! Ready na mga costumes ninyo girls. Padala ko sa condos ninyo bukas," sunod sunod nitong litanya sa amin na parang sinasabi lang niya ang terms of conditions ng binebenta nyang plans sa amin.

Nahawa kami ni Torri sa excitement niya kaya todo tanong pa kami ng details pero tipid sa info si Adeng. Pabitin ang bruha.

"Nga pala, ngayon ngayon ko lang din nalaman na dormmate pala ni Daniel ang manliligaw mo Verna so abay din siya at don't worry kapartner mo siya. Tsaka nirequest din niya kay Daniel. So pupunta kayo ha? Mag leleave of absence na ako bukas para maplantsa ko na lahat," iyon lang at iniwan na niya kaming dalawa ni Torri at nagtatakbo na palabas ng pantry.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now