Chapter 9

576 29 9
                                    

"You know this is my favorite part. Kasi dito mo makikita na magtatagpo sila ng prinsipe pero hindi niya malalaman na siya pala iyon till chapter three," excited kong sabi sa mga bata sa harap ko.

Nagpalakpakan ang mga batang babae na nakaupo sa damuhan sa harap ko. As usual from all factions pero ang nakakagulat lang ay pati mga students from grade four to six ay nandito na din.

Seems like fairytales and dreams are really not only for the young gullible ones. Pati etong mga babaeng halos magdadalaga na ay nakikinig pa din ng mga stories like these.

"Coordinator Verna, totoo ba ang mga happy endings?" inosenteng tanong ng isang grade three stundent from Almorica.

Tumango naman agad ako, "Oo naman. Minsan nga lang hindi natin nakikita dahil nag-eexpect tayo ng iba. Minsan nasa atin na pala o na reach na pala natin yung happy ending natin, hindi lang natin napapansin."

"Madali lang bang magka happy ending Coordinator?" tanong ng isang grade two student from Fenrir.

"Hindi. Iyan ang isa sa mga bagay na sigurado ako. Mahirap marating ang masyang katapusan. Sa mga perpektong stories na nababasa natin parang napakadali diba?" tanong ko hindi lang sa kanya kundi sa ibang mga nakikinig sa akin.

Nagsitanguan sila sa akin at nagpatuloy ako.

"Pero iba ang totoong buhay. Ang hirap, madaming problema at pasakit. Hindi ko ito dapat siguro sinasabi sa inyo pero ayokong umasa kayo na madali lang ang lahat. Na sa isang wasiwas lang ng magic wand, magkakatotoo na lahat," seryoso kong sabi sa kanila.

Napaiyak naman ang isang grade one student. Parang hindi niya matanggap ang sinabi ko.

Tumayo ako sa aking bench na kinauupuan at lumuhod sa tapat ng naiyak na bata at hinawakan ko ang kanyang kanang pisngi at pinawi ang kanyang mga luha.

"Pero alam mo kahit nag-iisa ka lang sa buhay, makakaya mo pa ding magpatuloy," paninigurado ko sa kanya at tiningnan ko lahat ng mga batang nakaupo sa unahan ko, "Magtiwala lang kayo sa sarili niyo at kahit ano pang bagyong dumating sa buhay ninyo, patuloy na magliliwanag ang araw ng pag-asa sa likod ng madidilim na ulap magpakailanman. Hindi ito mawawala, bagkos babalik din matapos ang ulan. Wag kayong bibitiw sa kabutihan at pagmamahal at patuloy kayong magliliwanag sa masalimuot na buhay na ito. Pag nagawa ninyong lahat iyon, mararating din natin ang ating mga happy endings."

Dahan-dahan akong tumayo at tiningnan silang lahat, "Ito na ang huli nating book session. Sana may natutunan kayong lahat kahit kaunti lang. Naniniwala ako na ako at kayo ay magiging matatatag. That is all. Go and start your journey towards your very own happy endings!"

Sa gulat ko ay sa halip na magtakbuhan paalis gaya ng lagi nilang ginagawa ay nagsilapitan ang mga ito sa akin at niyakap ako ng sabay-sabay.

No words...

Just embraces and tears...

"Thank you," naiiyak kong sambit sa mga batang nasa harap ko.

-0-

"Oh my goodness!"

"Who cares kung Vasquers tayo! We are still girls!"

"Lottery based?! How crude and exciting!"

"Kailangang ma compute ang possibility na mabubunot ko ang number ni crush!"

"Ang bilis ng panahon!"

"San kaya ako mag papatahi ng dress?"

Napakunot ang noo ko ng mapadaan ako sa foyer ng Vasque.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now